BOOSTER SHOT, MAY GO SIGNAL NA
- Published on October 26, 2021
- by @peoplesbalita
NAGBIGAY na ng go signal ang Department of Health para sa booster at karagdagang dose ng COVID-19 vaccines para sa healthcare workers, mga senior citizens at para sa eligible priority groups sa 2022.
Ang booster shots at karagdagang doses ng bakuna ay kasunod ng rekomendasyon noong Oct. 13 ng Health Technology Assessment Unit (HTAU) na inaprubahan naman ni Health Secretary Francisco Duque III.
Sa ilalim ng rekomendasyon, ang booster ay ibibigay sa mga healthcare workers at senior citizens sa ika-apat na quarter , sa kundisyon na natanggap nila ang mga bakuna nang hindi bababa sa anim na buwan pagkatapos ng pangunahing serye.
Itinutulak din ng HTAC ang pagpapatupad ng boosters sa 2022, kasunod ng parehong prioritization sa mga karapat-dapat na grupo kung ang A1 hanggang A5 priority groups ay naabot na ang 50% sa unang pagbabakuna.
“The rationale for the set threshold prior to implementation of booster includes ensuring maximum coverage for the primary series as the premature rollout of booster vaccination without attaining acceptable coverage would exacerbate existing inequities,” saad sa pahayag ng HTAC
Isinusulong din ng HTAC ang additional shots para sa immunocompromised individuals, 18 araw matapos ang pagkumpleto sa inisyal na COVID-19 vaccine series. GENE ADSUARA
-
Boston Marathon may ilang pagbabago sa 2026
May pagbabagong ipapatupad ang organizers ng sikat na Boston Marathon ang qualifying times sa darating na 2026. Ayon sa Boston Athletic Association na dapat ang mga runners ay maabot ang 26.2-mile race na limang minutong mas mabilis kumpara sa mga nakaraang taon para makakuha ng numero. Paliwanag ni Jack Fleming, pangulo […]
-
Sim cards, obligado nang iparehistro
GANAP nang batas ang pagpaparehistro ng sim card, matapos itong lagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ngayong umaga sa Malacanang. Sa kanyang mensahe, sinabi ng pangulo na matagal na dapat itong naisabatas. Isa aniya itong epektibong paraan ng pag-regulate ng mga sim card na karaniwang ginagamit sa mga panloloko o spam […]
-
Gonzales, Rungkat umabot sa double quarterfinals sa Japan tournament
Nagwagi sina fourth seeds Ruben Gonzales ng Pilipinas at Christopher Rungkat ng Indonesia sa kanilang opening-round doubles match sa Unicharm Trophy Ehime International Tennis Open sa Matsuyama, Japan noong Miyerkules. Sina Gonzales at Rungkat na nakabase sa US ay nag-rally kay Rinky Hijikata ng Australia at Yu Hsiou Hsu ng Chinese Taipei, 6-4, 3-6, […]