• March 26, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Booster shots para sa priority groups, maaaring simulan sa Nobyembre

TARGET ng National Task Force (NTF) Against Covid-19 na simulan sa Nobyembre ang pagbabakuna ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) vaccine booster shots sa priority sectors.

 

Inaprubahan na kasi ng Department of Health (DOH) ang probisyon ng booster shots sa mga fully vaccinated health care workers (A1), na unang nakatanggap ng bakuna noong Marso.

 

Prayoridad din ang Senior citizens (A2) at immunocompromised adults (A3) ayon kay NTF chief implementer Secretary Carlito Galvez Jr., sa isinagawang Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, Lunes ng gabi.

 

Ani Galvez, ang Health Technology Assessment Council (HTAC) at All Experts Groups on Covid-19 Vaccines ay nagpalabas ng “positive opinion” sa pagbabakuna ng booster shots.

 

“Nagpalabas po ng kanilang positive opinion ang HTAC at ang ating All Expert Group para kapag nag-start na po tayo ng boosters sa ating mga  health care workers,” ayon kay Galvez.

 

Sinabi ni Galvez na sinimulan na ng DOH ang pagpo-proseso ng emergency use authorization na inamiyendahan para sa iba’t ibang brand ng bakuna na gagamitin bilang booster shots.

 

Dalawang milyong booster doses ang inilaan para sa A1 at limang milyon naman para sa A2 at A3 priority groups.

 

“We have enough doses for them. Regardless of brand, mayroon po tayo na nakatabi ,” dagdag na pahayag nito.

 

Aniya, hinihintay na lamang nila ang anunsyo ng All Expert Groups kung ito’y heterologous (mixed) o homologous (same brand) vaccination at para sa final guidance mula sa Strategic Advisory Group of Experts on Immunization ng World Health Organization.

 

Ang mga binakunahan ng Sinovac jab ay maaaring bakunahan ng Pfizer, AstraZeneca o Moderna bilang booster shot. (Daris Jose)

Other News
  • DoF, maingat sa pag- utang ng gobyerno sa gitna ng pandemiya

    TINIYAK ng Malakanyang na maingat ang pamahalaan sa ginagawa nitong pag- utang sa mga local at foreign resources.   Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, masusing pinag-aaralan ni Department of Finance Secretary Carlos Dominguez ang pag- utang ng pamahalaan lalo’t may pinapangalagaang reputasyon ang bansa na may kinalaman sa pag-utang nito.   Ito ayon kay […]

  • Mga bagong botante, nasa 1.1 milyon na

    UMABOT na sa 1.1 milyon ang mga bagong botante na nagparehistro, siyam na araw bago ang pagtatapos ng voter’s re­gistration ng Commission on Elections (Comelec) para sa 2023 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Oktubre.     Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, naitala ang naturang datos simula Disyembre 12, 2022, kung kailan sinimulan […]

  • Zubiri, pinuri ang paglagda ng Reciprocal Access Agreement (RAA) sa pagitan ng Pilipinas at Japan

    PINURI ni dating Senate President Juan Miguel “Migz” Zubiri ang paglagda ng Reciprocal Access Agreement (RAA) sa pagitan ng Pilipinas at Japan, at sinabing ito ay “napapanahon” upang palakasin ang defense interoperability ng dalawang bansa.     Kabilang dito ang naval training ng mga sundalong Pilipino sa paggamit ng mga barko at kagamitan na binili […]