Border ng bansa, mananatiling sarado kahit maging maluwag na ang quarantine status sa susunod na linggo – Malakanyang
- Published on May 13, 2021
- by @peoplesbalita
MANANATILING nakasara ang borders ng Pilipinas kahit na magluwag pa ng quarantine classification sa Mayo 15.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque na kahit maging GCQ na ang NCR plus at iba pang bahagi ng bansa ay bawal pa rin ang turismo at tanging ang mga dayuhan lamang aniya na mayroong investors visa ang papayagang makapasok sa Pilipinas.
Giit ni Sec. Roque na lalong hindi bubuksan ng bansa ang borders nito sa mga manggagaling ng India, Pakistan, Nepal, Bangladesh, at Sri Lanka na kailan lamang ay pinatawan ng pamahalaan ng travel ban.
Aniya, normal lang ito dahil sa pag iwas na mapasok ng double mutant variant ng Covid -19 mula india.
Sinasabing, epektibo ang travel ban sa India at mga kalapit bansa nito hanggang Mayo 14 ngayong taon subalit maaari aniyang mapalawig. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)