‘Boss’ ng mga tulak, kulong sa P5.1M droga sa Caloocan
- Published on February 26, 2025
- by Peoples Balita
LAGLAG sa selda ang isang tulak ng droga na itinuturing bilang High Value Individual (HVI) nang makuhanan ng mahigit P2.1 milyong halaga ng shabu sa ikinasang buy bust operation ng pulisya sa Caloocan City, Lunes ng madaling araw.
Kinilala ni Northern Police District – District Drug Enforcement Unit (NPD-DDEU) Chief PLTCOL Timothy Aniway ang naarestong suspek na si alyas “Boss”, 54, residente ng Brgy. 176.
Sa kanyang ulat kay NPD Acting District Director P/Col. Josefino Ligan, sinabi ni Lt. Col. Aniway na positibo ang nakatanggap nilang impormasyon hinggil sa malakihan umanong pagbibenta ng shabu ng suspek.
Nang magawa ng isa sa kanyang mga tauhan na makipagtransaksyon sa suspek, agad bumuo ng team si Lt. Col. Aniway saka ikinasa nila ang buy bust operation sa koordinasyon sa PDEA.
Agad sinunggaban ng mga operatiba ng DDEU ang suspek matapos tanggapin ang markadong salapi mula sa isang pulis na nagpanggap na buyer dakong alas-4:47 ng madaling araw sa Phase 3, Package 2, Lot 1, Block 52, Barangay 176, Bagong Silang.
Nakumpiska ng mga operatiba ng DDEU sa suspek ng nasa 320 grams ng hinihinalang shabu na may katumbas na halagang P2,176,000 at buy bust money.
Sasampahan ng DDEU ang suspek ng kasong paglabag sa Sections 5 at 11 sa ilalim ng Articla II ng RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Pinapurihan ni Col. Ligan ang dedikasyon at pagsisikap ng mga operatiba sa kanilang pangako sa pagpuksa sa ilegal na droga at pagprotekta sa komunidad. (Richard Mesa)
-
PBBM maayos ang pakiramdam at kalagayan sa kanyang ikatlong araw na isolation
MAAYOS ang pakiramdam at kalagayan ngayon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Ito ang inihayag ni Presidential Communications Office (PCO) Sec. Cheloy Garafil dalawang araw matapos tamaan ng covid-19 si PBBM. Sa katunayan, sinabi ni Garafil na sasabak pa nga sa isang teleconference ang Pangulo ngayong hapon. Matatandaang hindi nakadalo […]
-
Pretty in Pink Power: “Mean Girls” Hits the Big Screen Again!
Catch the latest “Mean Girls” movie, a fresh take on the beloved classic. Starring Angourie Rice, Reneé Rapp, and more, this high school drama is set to captivate audiences from February 7 in Philippine cinemas. The iconic high school world of “Mean Girls” is back with a fabulous twist! In this latest adaptation, the film, […]
-
Operating hours ng LRT-2 paiiksiin
Magpapatupad ang pamunuan ng Light Rail Transit Authority (LRTA) ng shortened operating hours sa mga tren ng Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) sa susunod na linggo. Batay sa inisyung advisory ng LRTA, nabatid na aabutin ng isang linggo ang naturang pagpapa-ikli sa oras ng biyahe ng mga tren o mula Hulyo 27, Lunes, […]