• May 21, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Boxer Carlo Paalam pasok na rin sa round-of-16 matapos idispatsa ang pambato ng Ireland sa men’s flyweight

Lumakas pa ang pag-asa ng Pilipinas na podium finish sa nagpapatuloy na Tokyo Olympics matapos pumasok na rin sa round-of-16 ang Pinoy boxer na si Carlo Paalam sa nagpapatuloy na Tokyo Olympics.

 

 

Ito ay makaraang talunin niya nitong umaga ng Lunes sa kanyang debut game sa flyweight division ang pambato ng Ireland na si Brenda Irvine via split decision sa score na 4-1.

 

 

Si Paalam ang ikatlong boksingerong Pinoy na agad na naidispatsa ang mga kalaban.

 

 

Una nang umusad sa next round ang mga Pinay boxers na sina Nesty Petecio at Irish Magno sa round-of- 6.

 

 

Napansin na sa first round pa lamang ay abanse kaagad si Paalam sa limang mga judges at binigyan siya ng perfect score na 10.

 

 

Pagsapit ng Round 2 ay tinangkang humabol ng Irish boxer at naging dikitan ang laban hanggang sa third round.

 

 

Gayunman sa huling round ay bahagya pa ring nakalamang ang Pinoy boxer at dito na niya ibinuhos ang lahat para makuha ang panalo.

Other News
  • Ex-Pres. Arroyo, bagong Pres’l Adviser on Clark Programs and Projects – Duterte

    Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo bilang Presidential Adviser on Clark Programs and Projects.   Ito ang kinumpirma ni Sen. Bong Go.   Nilagdaan ni Pangulong Duterte ang appointment paper ni Arroyo noong November 25.   Inihayag ni Sen. Go, piso ang matatanggap na kompensasyon ni Arroyo kada taon.   Magugunitang […]

  • ADVERTISING INSTALLER SINAKSAK NG KAINUMAN

    NASA malubhang kalagayan ang isang 36-anyos na advertising installer matapos saksakin ng kanyang kainuman makaraan ang mainitang pagtatalo sa Malabon city, kamakalawa ng gabi.   Si Crispelito Cebreno ng Sitio 6 Dumpsite, Brgy. Catmon ay isinugod ng kanyang live-in partner sa Lorenzo Ruiz General Hospital bago inilipat sa Tondo Medical Center kung saan ito inoobserbahan […]

  • Kabuuang utang ng gobyerno noong 2024, tumaas sa P2.56-T – BTr

    TUMAAS ang gross borrowing o kabuuang utang ng Marcos administration noong 2024. Ito ay sa gitna ng malakihang pagtaas ng mga panloob at panlabas na utang, base sa report ng Bureau of Treasury (BTr). Sa datos ng bureau, lumalabas na lumobo ng P370 billion ang kabuuang utang noong nakalipas na taon. Ito ay katumbas ng […]