Boxing at weightlifting tinapyasan sa Olympics
- Published on December 10, 2020
- by @peoplesbalita
BINAWASAN ng bilang ang dalawang sport – boxing at weightlifting – para sa 33rd Summer Olympic Games 2024 sa Paris, France.
Nangangahulugan ang drastikong hakbang ng International Olympic Committee (IOC) ang pagliit ng bilang sa 329 gold medals na lang ang mga paglalaban sa quadrennial sportsfest.
Mas mababa na ito ng 10 medalyang ginto sa 32nd Summer Olympic Games 2020 na ni-reset lang sa Hulyo 2021 dahil sa Coronavirus Disease 2019 pandemic.
Bale apat na gold ang binaklas sa weightlifting, indikasyon sa pagkabanas ng IOC sa may kasalukuyang gulo na International Weightlifting Federation (IWF) sa bawal na droga at korapsyon. Lalabas na 120 lifters (athlete at officials) na lang ang makakapunta sa Paris.
Wala na sa kalahati ito sa mga bumahagi sa 31st Summer Olympic Games 2016 sa Rio de Janeiro, Brazil kung saan nakamit ng ating kalahi na si Hidilyn Diaz ang silver medal.
Namemeligro ring tuluyang makalos ito sa kalendaryo ng tuwing apat na taong pinakamalaking paligsahan sa mundo dahil na rin sa malalang nabanggit na problema.
Apektado rin ang boxing dahil sa malaking bilang ang malalagas sa athlete quota na 10,500 sa 2024 Games. Lampas sa 600 katao ang mawawala hambing sa mga sasali sa Tokyo Olympics.
Dahil sa korapsyon at dayaan sa mga labanan ang kinaiinis din ng IOC sa International Boxing Association (AIBA) kaya sinuspinde ito noon pang isang taon. Isinaalang-alang na lang ang kapakanan ng mga boksingero kaya may boxing pa rin sa Tokyo at Paris.
Sana umayos na ang IWF at AIBA para hindi naman tuluyang mabura ang weightlifting at boxing sa mga parating pang Olympics.
-
PBBM, ibineto (veto) ang ilang probisyon sa 2023 National Budget
MAY Ilang probisyon na nakapaloob sa susunod na taong budget ang ibineto (veto) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Kabilang dito ang Special Provision No. 1, “Use of Income,” na ayon sa Pangulo ay bahagi na ng revenue and financing sources of the Fiscal Year (FY) 2023 National Expenditure Program na una ng naisumite […]
-
Underemployment at job quality, tututukan ng DOLE
NABABAHALA ang Department of Labor and Employment (DOLE) kaugnay sa mga ulat tungkol sa underemployment at mababang kalidad ng mga trabaho sa Philippine Statistics Authority (PSA) September 2022 Labor Force Survey (LFS). Inihayag ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma, nagdulot sa kanila ng pag-alala ang dalawang bagay na kinabibilangan ng underemployment at ang kalidad […]
-
Ni-raid na condo sa Maynila, ‘Mother of all POGO hubs’-PAOCC
ITINUTURING ng Presidential Anti- Organized Crime Commission (PAOCC) na “Mother of all POGO hubs” ang sinalakay na 40 palapag na condominium kamakailan sa Adriatico, Maynila kasabay ng pahayag na hindi sila titigil sa kanilang operasyon laban sa Philippine Offshore Gaming Operations (POGO). Ayon sa PAOCC, ang naturang condominium ay naging “taguan” ng ilegal […]