Boyfriend ni NADINE na si CHRISTOPHE, itinangging ‘engaged’ na sila
- Published on November 16, 2024
- by @peoplesbalita
MARAMI ang nagtanong na netizens kung engaged na nga ba si Nadine Lustre at ang kanyang non-showbiz boyfriend na si Cristophe Bariou?
Matapos ngang i-post ng premyadong aktres ang love notes sa kanya ni Christophe.
“Can’t wait to discover and conquer the world with you,” ito ang nakakikilig na hand-written note kay Nadine.
Caption naman ni Nadine sa kanyang post, “Man, oh man, you’re my best friend I scream it to the nothingness. ”
Pero paglilinaw si Christophe sa pamamagitan ng Instagram Live ni Nadine, “We’re not engaged.”
Ang naturang video ay sinabi ng aktres na, “And before we leave, one last thing…”
“We’re not engaged!” Sabi ni Christophe.
MAKALIPAS ang limang taon, mapapanood muli ang tambalang Alden Richards at Kathryn Bernardo sa “Hello, Love, Again” na binigyan ng PG rating ng Movie and Television Review and Classification Board MTRCB) galing kina MTRCB Board Members Katrina Angela Ebarle, Eloisa Matias at Maria Carmen Musngi.
Nabigyan din ng PG rating ang unang bersiyon nito noong 2019.
Sa direksyon ni Cathy Garcia-Sampana, ang pelikula’y iikot sa muling pagkikita nina Joy (Kathryn) at Ethan (Alden) sa Canada at mapagtanto nila ang malaking pagbabago sa kani-kanilang buhay.
Rated PG din ang post-apocalyptic thriller na “Elevation,” na hango sa istorya ng isang ama na ginawa ang lahat para mailigtas ang kanyang anak.
Sa PG, kailangang may kasamang magulang o nakakatanda ang mga batang manonood na edad 12 at pababa.
R-16 naman ang “Sana: Let Me Hear” mula Japan dahil sa katatakutan na hindi bagay sa mga edad 15 at pababa.
Hinikayat ni MTRCB Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio ang pamilyang Pilipino na magpakasaya sa mga pelikulang nabigyan ng angkop na klasipikasyon ng Ahensiya.
“Ating ipinapaalala sa mga magulang na responsableng gabayan ang mga bata sa panonood,” sabi ni Chair Sotto-Antonio. “Hubugin natin ang kanilang kaisipan sa tamang direksiyon sa pamamagitan ng pagsuporta sa pagpili nila ng mga pelikula na angkop sa kanilang edad.”
(ROHN ROMULO)
-
Arevalo nagkampeon sa US, binulsa P145K
PASIKLAB si sophomore pro Abegail ‘Abby’ Arevalo ng six-under par 66 para sa 17-under 199 at sungkitin ang ang unang titulo sa katitiklop na 3rd The Cactus Tour 2021 Stallion Mountain Championship sa Las Vegas, Nevada, United States. May kalakip ang wire-to-wire win ng 2020 Philippine Ladies Amateur Open champion, San Jose State […]
-
Witness the Final Journey of Marvel Studios’ Beloved Space Trilogy
GET ready for another wild ride across the galaxy as everyone’s beloved band of misfits returns for Marvel Studios’ “Guardians of the Galaxy Vol. 3“. Grab your advance tickets now and catch the Guardians’ final adventure together! In this much-awaited film, the Guardians are settling in their new home base on the planet […]
-
FACE SHIELDS, BARRIERS, ROADBLOCKS, CURFEW SA PANAHON ng PANDEMYA, ATBP.
Pinatupad na sa public transport ang “no face mask, no face shield, no ride” policy. Sa mga mangagawa ay ipinagutos na rin ang pagsuot ng face shield. May ilang business establishments na may polisiya na rin ng “no mask, no face, shield no entry. “Kaya naman nagsisiguro na ang ating mga mamamayan na magsuot ng […]