BROMANCE nga raw kung tawagin ang muling pagkikita nila Ruru Madrid at Jon Lucas sa action-adventure series na ‘Lolong: Bayani ng Bayan.’
- Published on March 12, 2025
- by Peoples Balita
Huling nagsama ang dalawa sa ‘Black Rider’ kunsaan mortal silang magkaaway. Sa pagsasama nila ulit, madugong bugbugan daw ang mga eksena nila.
“Lagi akong excited. Totoo ‘to! Lagi akong excited makasama si Ruru sa isang eksena. Sabi ko nga sa kanya, wala na ‘kong ibang kakilala na kasing passionate niya sa ginagawa.“Sobrang nakakatuwa si Ruru. Sobrang proud na proud ako sa kanya. Ang layo na ng narating niya,” papuri ni Jon sa Kapuso Action Prince.Na-miss din ni Ruru si Jon kaya naghanda raw ito dahil alam niya ang husay ni Jon pagdating sa mga action scenes.“Hindi ko rin alam kung bakit pero hindi na ‘ko makapaghintay na muli siyang makaharap. Makatrababo ko ang nag-iisang Jon Lucas, one and only, para sa natatatanging pagganap niya bilang si Lizardo.”***AVAILABLE na for streaming ang “Reyna” na debut single ni Sparkle beauty queen, actress, and host Michelle Dee.Sakto ang release nito ngayong March kung saan ipinagdiriwang ang Women’s History Month dahil sa uplifting at empowering message ng kanta para sa kababaihan.It’s finding everything that people call ugly in you but it’s up to you to find the beauty in that. That’s not just beauty queens, not just drag queens, but everyone that feels like that they are in their own right, a reyna also,” paliwanag ng former Miss Universe Philippines 2023.Inihahanda na ngayon ni Michelle ang music video para sa kanta. Espesyal ito para sa kanya dahil naging bahagi siya ng creative process sa pagbuo nito.“I’m so grateful that GMA and Sparkle, and of course ABS-CBN Music really allowed me to share my creative inputs, share what I know would resonate to my audience and my family which are also my fans. It’s really been a really fun, creative journey kasi I do have a lot of inputs on how I execute my vision and that creative story telling kaya I’m just happy that were all just playing on our strengths.”***HINDI raw makahindi ang multi-awarded American singer-songwriter na si Carrie Underwood nang i-offer sa kanya ang maging isa sa judges ng American Idol.Hindi raw nagdalawang-isip si Carrie dahil malaki ang utang na loob niya sa American Idol. Siya ang tinanghal na season 4 winner at naging most successful American Idol winner with 85 million albums sold worldwide.“It’s been 20 years. American Idol is a part of me and it is part of my history, and hopefully I’ve learned a lot from experience on the show and everything in the industry and hopefully I can bring that into my advice to those in front of us,” sey ni Carrie na naging kapalit ni Katy Perry sa show.Carrie has 16 number one singles and was named by Billboard as top female country artist of 2000s and 2010s. She has 8 Grammys, 9 Country Music Awards, 12 Billboard Awards, 17 American Music Awards and a star in the Hollywood Walk of Fame and inducted at the Grand Ole Opry.(RUEL J. MENDOZA)
-
Inaprubahan ng House justice panel ang panukalang batas na nagbibigay ng Filipino citizenship sa import ng Ginebra na si Brownlee
Inaprubahan ng House justice panel nitong Miyerkules ang panukalang nagbibigay ng Filipino citizenship sa American basketball player na si Justin Donta Brownlee na isang hakbang para maging kwalipikado siyang maglaro sa Gilas Pilipinas men’s basketball team. Nabuo ito matapos na magkaisang inaprubahan ng panel ang House Bill 825 na inakda ni Representative Mikee Romero […]
-
Marcial balik-ensayo sa gitna ng kontrobersiya
BALIK-ENSAYO na agad si Tokyo Olympics bronze medalist Eumir Marcial matapos pumutok ang kontrobersiya sa asawa nitong si Princess. Isinantabi muna ni Marcial ang mga personal na usapin para pagtuunan ang kanyang training at masigurong nasa perpektong kundisyon ito sa kabila ng mga isyu. Nais ni Marcial na pag-usapan na lamang ito sa tamang lugar […]
-
F2, Perlas sasalang din sa bubble training
Ikakasa ng F2 Logistics at Perlas Spikers ang kani-kanyang bubble training upang paghandaan ang Premier Volleyball League (PVL) Open Conference. Target ng Cargo Movers na magsagawa ng training camp sa Valentino Resort and Spa sa San Jose, Batangas. Isinumite na ng pamunuan ng F2 Logistics ang request nito sa Games and […]