Bryant, 2 pa iniluklok sa Hall of Fame
- Published on May 18, 2021
- by @peoplesbalita
Iniluklok na ang namayapang si Kobe Bryant kasama ang mga miyembro ng 2020 Class sa Naismith Memorial Basketball Hall of Fame kahapon.
Nakasama ni Bryan sina NBA legends Tim Duncan at Kevin Garnett sa 2020 Class.
Ang dating Los Angeles Lakers superstar ay kinatawan ng kanyang asawang si Vanessa at sinamahan ni Michael Jordan na siyang nagluklok sa five-time NBA champion.
Namatay si Bryant sa isang plane crash sa Calabasas, California kasama ang kanilang anak na si Gigi at pitong iba pa noong Enero ng 2020.
“Congratulations baby, all of your hard work and dedication paid off. You did it, you are in the Hall of Fame now,” sabi ni Vanessa. “Kobe’s most cherished accomplishment was being the very best girl dad.”
-
QUARANTINE FACILITY SA MGA BARANGAY SA KYUSI NADAGDAGAN
NADAGDAGAN pa ng walo pang quarantine facility sa mga barangay sa Quezon City. Ayon sa LGU, layon nitong mas makapaghatid ng serbisyo sa mga residente sa bawat barangay sa naturang lungsod. Layon din nito na ang mga walang sapat na lugar sa kanilang mga bahay na tinamaan ng COVID-19 ay doon na magpagaling. Nitong nagdaang […]
-
Kamara tiniyak patuloy na tututukan ang presyo ng pagkain – House agri panel chair
TINIYAK ng House committee on agriculture and food na tuloy tuloy ang gagawing pagbabantay sa presyo ng bigas, sibuyas at iba pang produktong agrikultural. Ayon kay House Committee on Agriculture and Food Chairman Rep. Mark Enverga magpapatawag aniya ang komite ng mga pagdinig at pagsisiyasat at magdaraos ng konsultasyon sa mga stakeholder kung […]
-
Robredo hanga sa resignation ni Magalong
Hinangaan ni Vice President Leni Robredo si Baguio City Mayor Benjamin Magalong dahil sa irrevocable resignation na inihain nito bilang contact tracing czar kasunod nang kanyang pagdalo sa isang party kung saan hindi nasunod ang COVID-19 protocols. Sinabi ni Robredo na “napakahusay nang pag-ako ng accountability” ni Magalong na dapat pamarisan nilang mga […]