• May 20, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Budget, DepEd execs ginisa sa ‘overpriced’ laptops

NAGISA ng Senado ang mga opisyal ng Department of Budget and Management (DBM) at Department of Education (DepEd) kaugnay sa pag-apruba nito sa Procurement Service (PS) ng DBM sa pagbili ng umano’y overpriced laptops.

 

 

Sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee, tinanong ni Sen. Ronald dela Rosa ang DepEd bakit pumayag sa pagbili ng PS-DBM ng P58,000 laptop bawat isa.

 

 

Giit ni Dela Rosa, maliwanag sa record na pumayag ang DepEd na bumili ng laptop na mula sa P35,000 ay ginawa itong P58,000.

 

 

Paliwanag naman ni dating DepEd secretary Leonor Briones, si DepEd Usec. Alain Pascua ang dapat magpaliwanag dahil siya ang information communications technology chief.

 

 

Paliwanag naman ni Pascua na binigyan siya ng PS-DBM ng action slip bago pa ang pagbili kung saan nakasaad dito ang bilang at presyo ng laptops at si ICT Director Abram Abanil din umano ang pumirma sa action slip. (Daris Jose)

Other News
  • 16 taon nang namamanata sa Itim na Nazareno: Cong. SAM, dasal na magkaroon ng pagbabago sa buhay ng mga kababayan

    SA ika-16 na taon na pamamanata sa Mahal na Poong Nazareno, kakaiba ang pagsama sa Translacion ni Congressman Sam “SV” Verzosa.  Bago ang pagsampa sa Andas, pumunta muna ang aspiring mayor ng Maynila sa “Pahalik” sa Quirino Grandstand sa Luneta sa Itim na Nazareno noong umaga ng January 8. “‘Wag natin kakalimutan ang tunay na diwa […]

  • Philippines-China agreement, makatutulong na buhayin muli ang local steel industry — envoy

    MAKATUTULONG na muling buhayin ang  steel industry ng bansa ang nilagdaang kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at China.     “Kung titingnan po natin iyong 14 agreements, nakikita po naman natin na mukhang solid naman ang mga proyekto na nasa table ngayon. Halimbawa po, iyong agreement ng Baowu Steel at SteelAsia,” ayon kay Philippine Ambassador […]

  • Bubble slugfest sa Mandaue sa Okt. 7

    IHAHATAG Cebu-based Omega Sports Promotions sa unang pagkakataon sa bansa ang groundbreaking bubble boxing card sa Miyerkoles, Oktubre 7 sa International Pharmaceuticals Inc. compound sa Mandaue City, Cebu.   “We are honored and privileged to be holding this historic boxing card in Cebu. It is a challenge but we are looking forward to it,” namutawi […]