Bukod kina Joseph, Charo, Laurice at Lav: JUDY ANN, kasama sa pararangalan sa ‘2025 Parangal ng Sining’ ng FDCP
- Published on April 5, 2025
- by @peoplesbalita

Ang mga parangal sa taong ito ay kumikilala sa mga buhay na alamat at pioneer na patuloy na humuhubog sa paggawa ng pelikulang Pilipino.
Ang seremonya ng parangal ay magaganap sa Abril 11, 2025, sa ganap na 5:00 PM sa Seda Vertis North, Quezon City at ang magiging host ay si Iza Calzado.
Ang theme sa taong ito ay ‘Ang Mga Higante ng Kasaysayan ng Ating Pelikula: Tradisyon at Ebolusyon,’ pararangalan ang ebolusyon ng pelikulang Pilipino, na ipinagdiriwang ang parehong mga alamat na nagbigay daan at ang mga innovator na nagtutulak sa mga hangganan nito ngayon.
LIFETIME ACHIEVEMENT AWARD RECIPIENTS:
● Joseph Ejercito Estrada
● Charo Santos-Concio
● Laurice Guillen
● Lav Diaz
ANNUAL ACHIEVEMENT AWARD RECIPIENTS:
● “Iti Mapukpukaw (The Missing)” – Directed by Carl Joseph Papa
● “Sunshine” – Directed by Antoinette Jadaone
● Judy Ann Santos
Upang makadagdag sa seremonya ng parangal, isang serye ng Tribute Screenings ang gaganapin sa Ayala Malls Vertis North SA Abril 10 at 12, na nagpapakita ng mga iconic na gawa ng mga pinarangalan.
Ang mga tampok na pelikula:
● Itim (1976) – Directed by Mike De Leon, starring Charo Santos-Concio
● Tanging Yaman (2000) – Directed by Laurice Guillen
● Ang Babaeng Humayo (2016) – Directed by Lav Diaz
● Sa Kuko ng Agila (1989) – Directed by Augusto Buenaventura, starring Joseph Estrada
Ang mga performers sa naturang pagpaparangal ay sina Nyoy Volante, Rachel Alejandro, Arman Ferrer, Nicole Asensio, Jeffrey Hidalgo at Cookie Chua.
(ROHN ROMULO)
Other News
-
EX-PNP chief Purisima inabswelto ng Sandiganbayan sa 8 kaso ng perjury
LUSOT sa walong kaso ng perjury ang dating hepe ng Philippine National Police na si Alan Purisima ayon sa Sandiganbayan Second Division. Kaugnay ito ng diumano’y kabiguan niyang iulat ang kanyang statement of assets, liabilities and net worth (SALN) para sa mga taong 2006 hanggang 2009 at 2011 hanggang 2014. Sinabing pagmamay-ari ng […]
-
Ads September 27, 2022
-
SSS 13th month at December pensions, matatanggap na sa susunod na linggo
Inihayag ng Social Security System (SSS) na matatanggap na ng kanilang milyon-milyong pensiyonado ang kanilang 13th month at 2021 December pensions sa unang linggo ng susunod na buwan. Sinabi ni SSS president at CEO Aurora Ignacio, kabuuang P27.5 bilyon ang ire-release na halaga ng SSS para sa 2021 December at 13th month pensions […]