• December 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bukod sa ‘di matatawaran ang pagtulong sa mga OFWs: ARNELL, naglunsad ng health and wellness campaign para sa OWWA employees

GRABE at hindi talaga matatawaran ang dedikasyon at concern ng Executive Director Administrator ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na si Arnell Ignacio sa mga Overseas Filipino Workers (OFW), na kapag nagkakaroon ng problema at agad siyang gumagawa ng solusyon, katulad na lang ng bagong kaso ng isa nating kababayan sa Kuwait na patuloy nilang tinututukan at nangakong silang hindi pababayaan, pati na ang pamilya nito.

 

 

Pero bukod dito, kailangan din nilang bigyang pansin ang kalusugan ng mga empleyado ng kanyang pinamumunuang ahensya ng gobyerno. Kaya naman naisipan nilang ilunsad ang health and wellness campaign, kasama ang OWWA Deputy Administrator na si Honey Quiño.

 

 

Aminado si Arnell na minsan ay halos 24 hours ang inilalaan nilang oras para makapagtrabaho sa OWWA kaya naman apektado na ang kanilang kalusugan. Hindi talaga maiiwasan angsobrang pagpupuyat, ‘di pagkain ng tama at healthy food, at sobra-sobrang stress.

 

 

Ipinakita nga sa amin ni Arnell ang kanyang opisina, na kung saan meron siyang simpleng bedroom, dahil doon na siya halos nakatira at ‘di nakakauwi sa kanyang sariling tahanan. Nawala na rin ang kanyang social life, na nagagawa niya noong nasa showbiz pa siya.

 

 

Mas matindi pa nga trabaho niya, kumpara sa puyatan sa taping o shooting sa showbiz.

 

 

Kuwento pa ng administrator, “Sa showbiz ganoon din ginagawa namin eh, tuloy-tuloy ang trabaho. Pero iba ang stress dito sa OWWA and for good reason. Kasi buhay ng ating mga bayaning OFW ang pinag-uusapan. Hindi ka puwedeng basta-basta na lang.”

 

 

Dagdag pa niya, “It’s not an easy task. It’s taxing on the mind, body.

 

 

“Dahil sa dami ng trabaho, wala na akong exercise. Hangga’t maaari kapag may free time, tini-take advantage ko ito to get some much needed sleep.”

 

 

Isa pa sa sakripisyo ni Arnell, kahit ang anak pala niya ay hindi na rin niya nakikita at nakaka-bonding sa rami ng trabaho sa OWWA.

 

 

“Kasi tila hindi lang ako ang nakalimot na sa benepisyo ng ehersisyo rito. Dahil sa aming trabaho, marami sa amin ang out of shape, lethargic, walang energy and I think we have to take care of ourselves as well. So, I thought, maybe it’s time we implement something that would somehow mitigate that,” kuwento pa niya.

 

 

Nasaksihan naman namin ang pangunguna nina Arnell at Honey sa Zumba dance session para sa mga empleyado ng OWWA, na ginanap sa labas ng building. Bago mag-join ang bihis sina Arnell, nagsalita muna siya na halos pagbibiro, na dapat daw seryosohin at bigyan ng oras sa natuwang health and wellness campaign, dahil hindi maganda sa katawan ang benepisyo nito, pati na rin sa maayos na pag-iisip nang sa ganun makapagtrabaho siya at makatulong sa mga nangangailang OFWs.

 

 

Pangako pa ni Administrator Arnell, na sa susunod nilang Christmas party sa December ay magkakaroon sila ng awarding sa mga employees na malaki ang nabawas na timbang, lalo na ‘yun naglalakihan ang mga tiyan.

 

 

Meron din palang basketball team ang OWWA, na isa rin sa tututukan niya, na mag-improve. Ang naturang sports para sa mga kalalakihan ay malaki ang tulong para sa kanilang maayos na kalusugan.

 

 

Tama nga naman si Arnell, na dapat maging healthy ang mga empleyado, at parang bawal talaga ang magkasakit, sa rami at tindi ng kanilang trabaho sa araw-araw na ginawa ng Diyos.

 

 

Anyway, si Arnell ay in-appoint noong 2016 ni President Rodrigo Duterte bilang Assistant Vice President for Community Relation and Services Department of the ng PAGCOR, na kung nagsilbi siya hanggang January 2018. Dahil inilipat siya sa OWWA bilang Deputy Executive Director and Deputy Administrator.

 

 

After almost a year, na-resign siya noong February 2019 dahil sa personal reasons. Pagkalipas ng ilang buwan muling kinuha ang kanyang serbisyo para maging Administrator, na kung saan bihisa na at alam ang pasikot-sikot sa mga nagiging problema ng OFWs. Na kung saan maraming programa at serbisyo ang ipinagkakaloob nila tulad ng financial and legal assistance, at serbisyong legal. Nakapagpo-provide din ang OWWA ng scholarships, calamity assistance at social benefits sa bawat miyembro ng OFW.

 

 

Last year (August 10, 2022), in-appoint naman siya ni President Bongbong Marcos as the new administrator ng OWWA at patuloy nga ang masigasig na pagseserbisyo ni Administrator Arnell Ignacio.

 

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Relief goods lulan ng BRP Tubbataha nakatakdang ipamahagi

    Kaagad nang ipapamahagi sa mga apektadong pamilya sa Bohol ngayong araw ang mga relief supplies na dala ng BRP Tubbataha.     Ito ay matapos na makarating na sa Central Visayas ang naturang barko ng ulan ang 270 sako ng bigas, 37 piraso ng tarpaulin, apat na drum ng gasolina, apat na solar sets, dalawang […]

  • 4Ps cash grant, mas praktikal kaysa sa pamamahagi ng bigas

    MAS PRAKTIKAL ang pamamahagi ng cash grants kaysa sa aktuwal na pamamahagi ng bigas sa mga benepisaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).  Sinabi ito ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Assistant Secretary Romel Lopez at tagapagsalita ng departamento matapos irekumenda ng National Food Authority  ang  pagbili at pamamahagi ng bigas sa halip […]

  • Naka-support pa rin at ipinagmamalaki… JAKE, inamin sa IG post na totoong hiwalay na sila ni KYLIE

    TINAPOS na nga ni Jake Cuenca ang pinag-uusapan na break-up nila ng beauty queen turned actress si Kylie Versoza.     Sa kanyang Instagram post, inamin na nga ni Jake na totoong hiwalay na sila ni Kylie.     Kasama ang dalawang photos, una rito ang  miniature nila ni Kylie kasama ang two pet dogs […]