• July 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bukod sa hirap mag-memorize ng mga medical terms: JILLIAN, naranasan din sa serye na makasali sa beauty contest

SI Kapuso Teen Queen Jillian Ward as Dra. Analyn Santos ng top-rating GMA Afternoon Prime drama series na ‘Abot-Kamay na Pangarap’ na nagtatampok din kina Carmina Villarroel, Richard Yap at Dominic Ochoa, ang gusto ng mga netizens na siyang manalo bilang Miss APEX Medical Center.

 

 

Kaya happy and thankful naman si Jillian sa mga patuloy na sumusubaybay sa kanilang serye.  Thankful siya dahil kahit ang said series ang pinakamahirap na niyang nagawa sa kanyang career, ay marami naman siyang natutunan.

 

 

“Mahirap pong mag-memorize ng mga medical terms, pero, inaralan ko pong lahat iyon, lalo na kung gagamitin ko habang umaarte ako sa eksena” sabi ni Jillian.

 

 

“Kaya marami po talaga akong natutunan, na nagagamit ko rin sa everyday life ko. At ngayon, first time ko ring makapag-join ng beauty contest sa story, mahirap din po palang mag-rehearse, mabuti. mahuhusay po ang mga nagturo sa akin kung ano ang dapat kong gawin.”

 

 

Ngayong maglalaban sila ng hindi niya kilalang stepsister niya sa story, si Zoey, tiyak na makikisali ang mga fnas ni Jillian na bumoto.  Sa ngayon kasi, more than 23.8 millions na ang kanyang Tiktok followers at 4.9 millions naman sa Twitter.

 

 

Kayo, sino ang gusto ninyong manalo sa beauty contest?

 

 

Napapanood ang ‘Abot-Kamay na Pangarap’ Mondays to Saturdays, 2:30PM after ng “Eat Bulaga.”

 

 

                                                            ***

 

 

IT seems may malaking challenge na kahaharapin si Kapuso actor Ken Chan at malaking question mark iyon sa kanyang mga fans.

 

 

Nag-post kasi si Ken sa kanyang Instagram account ng: “more ready for the next chapter in my life.”

 

 

Kaya nagtatanong ang kanyang mga fans, kung mag-aasawa na raw ba siya, ang iba naman, are wishing him success on his next journey, at huwag daw siyang mag-alaala, dahil susuportahan daw nila ang actor, kung anuman iyong kakaharapin niya.

 

 

Sa ngayon kasi, pahinga muna si Ken, dahil may upcoming series na siyang pinaghahandaan ngayon, ang remake ng “Saan Nagtatago ang Pag-ibig” na isang collaboration ng GMA Network with Viva Entertainment, na pagtatambalan nila ni Yassi Pressman, with Marco Gumabao. 

 

 

Dati nang nagtambal sina Ken at Yassi, noong nasa GMA pa ang actress.

 

 

Every Sunday, napapanood si Ken as one of the hosts sa “All-Out Sundays”.  At present, isinasagawa pa ng GMA ang auditions ng “The Clash 5” at wala pa silang announcement kung sinu-sino ang magiging hosts.

 

 

Sina Christian Bautista, Ai Ai delas Alas at Lani Misalucha pa rin kaya ang magiging judges at sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz pa rin ang hosts, with Ken and Rita Daniela as the Journey hosts?

 

 

Kaya habang wala pang work, personal na mina-manage ni Ken ang kanyang iFuel gasoline station and his Christmas themed restaurant na Café Claus, habang naghihintay ng simula ng shoot ng “Saan Nagtatago Ang Pag-ibig” na unang ginampanan nina Vilma Santos, Tonton Gutierrez, Ricky Davao at dinirek ni Eddie Garcia.

 

 

(NORA V. CALDERON)

Other News
  • Thompson hinirang na PBA MVP

    KAGAYA ng inaasahan, na­pasakamay ni guard Scottie Thompson ng Barangay Ginebra ang Most Valuable Player trophy ng PBA Season 46 kahapon sa The Leo Awards.     Kumolekta ang 28-an­yos na produkto ng Perpe­tual Altas ng 2,836 points pa­ra maging ikalawang Gi­nebra player na nagwagi ng MVP matapos si Marc Ca­guioa noong 2012.     […]

  • SEPS Online ng Bulacan, wagi ng Best in LGU Empowerment Award sa DGA 2021

    LUNGSOD NG MALOLOS– Iniuwi ng Socio Economic Profile System (SEPS) Online ng Lalawigan ng Bulacan ang Best in LGU Empowerment Award – Best in Interoperability Award (Province Level) sa ginanap na birtwal na Digital Governance Award 2021 sa pamamagitan ng Zoom noong Oktubre 29, 2021.       Tinanggap ni Gobernador Daniel R. Fernando na […]

  • ‘State of public health emergency, ‘di pa aalisin hanggang sa katapusan ng 2022’

    PAPALAWIGIN pa ang umiiral na state of public health emergency sa Pilipinas na inisyal na idineklara dahil sa COVID-19 outbreak hanggang sa katapusan ng taong 2022.     Sa isinagawang vaccination campaign ng Department of Health na dinaluhan ng Pangulong Bongbong Marcos sa lungsod ng Maynila, sinabi ng Pangulo na kung ititigil ang state of […]