Bukod sa pagiging aktor at direktor: XIAN, ibinahagi na may talent din sa pagkanta
- Published on May 15, 2023
- by @peoplesbalita
BUKOD sa pagiging aktor at direktor, pinakita rin ni Xian Lim ang isa pa niyang talent at ito ay ang pagkanta.
Sa Instagram, nag-share si Xian ng photo at video habang nasa isang recording session siya. Inawit ni Xian ang isang song na makakasama sa soundtrack ng kinabibilangan niyang GMA primetime teleserye na ‘Hearts On Ice’.
“Excited for this! Thank you Hearts On Ice fam for this wonderful opportunity. Watch out for it in the coming episodes of our series,” caption pa ni Xian na ka-love triangle na niya kay Ponggay (Ashley Ortega) ay ang best friend niyang si Bogs (Kim Perez).
Obvious na inspired ngayon si Xian sa takbo ng kanyang career. Bukod kasi sa mataas ang ratings ng kanyang teleserye, nagagawa pa rin niya ang iba pang gusto dahil ito sa maayos na relasyon niya sa girlfriend na si Kim Chiu.
Sa huling post niya sa Instagram kunsaan kasama niya si Kim noong birthday nito last month, nilagay niya ay “Truly, Madly, deeply in love with you and I cherish every single moment I have with you. So many years have gone by and we’re still by each others side.
“Nothing beats silencing all the noise around us. Let the naysayers talk and assume all they want. No one knows more about our relationship than you and I. I love you and I will always be here by your side.”
***
NALABAS na and bagong love song ng Sparkle Artist and AraBella star na si Shayne Sava titled ‘U-Turn.’
Composed by Rina Mercado, tungkol ito sa pakikipaglaban sa pag-ibig at self-love.
“I feel honored to have this as my song kasi this is a dream come true lalo na at bukod po sa acting and dancing, my first love is singing. I am just overall happy and excited.
“The song is about whether to stay or to leave. Whether to stay because of the memories at syempre mahal mo ‘yung tao, or to leave because it’s getting toxic already.
“This song can also be about you, about self-love. Kasi at the end of the song, mas pinili niya ‘yung sarili niya. Mas pinili niyang mag u-turn mula sa taong mahal niya na paulit-ulit siyang sinasaktan. I think naka-relate rin po ako kasi I’m very particular po with self-love, self-care.”
Listen to Shayne Sava’s ‘U-Turn,’ now available on all digital streaming platforms worldwide.
***
PAGKATAPOS ng kanyang third term bilang city councilor ng Puerto Prinsesa, Palawan noong nakaraang taon, handa na ulit na balikan ng dating Viva heartthrob na si Matthew Mendoza ang showbiz.
Hindi raw maipagkakaila ni Matt na marami siyang na-miss sa showbiz noong maging isa siyang public servant for nine years. Pero updated naman daw siya sa mga nangyayaring bago sa showbiz.
Suportado ng kanyang pamilya ang muling pagbalik ni Matt sa showbiz.
“I have a very supportive family. My wife Angie, she’s been with me through thick and thin. Kung ano ang maging desisyon ko sa career ko, she’s always there at alam niya na they will always be my priority. I’ve always been a family man.
“My kids, Bea (23), Kyla (20) and Luke (17), malalaki na sila and they love whatever I’m into. Noong malaman nila na artista pala ako before, they want me to tell them stories about my time in showbiz noong ’90s. They are very interested in what my life was before being a politician.”
Huling napanood si Matthew sa 2018 sa teleserye na Wild Flower ng ABS-CBN. Bago iyon ay lumabas siya sa Destined To Be Yours (2017), Kapag Puso’y Sinugatan (2013), Angelito: Batang Ama (2012), Sinner Or Saint (2011), Alakdana (2011), Imortal (2010), Dyosa (2008) at Daisy Siyete (2008).
Isa sa top leading man ng Viva Films noong ’90s si Matthew sa mga pelikulang Dysebel, Sabado Nights, Nag-iisang Ikaw, Nang Iniwan Mo Ako at Ikaw Naman Ang Iiyak. Nakatrabaho niya ang mga mahuhusay na direktor tulad nila Joel Lamangan, Don Escudero, Jose Javier Reyes, Romy Suzara, Ike Jarlego Jr. and Emmanuel Borlaza.
Gusto naman ni Matt na makatrabaho ang maraming bagong artisa ngayon.
(RUEL J. MENDOZA)
-
Bagong programa nila ni Kuya Poy, maagang pamasko: LAILA CHIKADORA, may ‘shoutout’ sa nagalit na manager ni PIA
MAY handog na “12 Gifts of TRUE Christmas” ang newly-awarded Best Radio Station ng bansa, ang Radyo5 TRUE FM, bilang maagang pamasko para sa mga listeners. Sisimulan ito sa launch ng mga bagong programang layunin ang maging safe space ng mga listeners para sa mga heartfelt conversations at mga payo mula sa mga […]
-
Tag-ulan, idineklara na ng PAGASA
PORMAL nang idineklara ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang pagsisimula ng panahon ng tag-ulan o rainy season sa bansa. Kasunod ito ng nararanasang severe thunderstorms na nagdulot ng malawakang pag-ulan sa nakalipas na 5 araw. “This satisfies the criteria of the start of the rainy season over […]
-
Trabaho ng Equestrian PH, patuloy lang – Coscoluella
PATULOY na itataguyod ng Equestrian Philippines ang sport kahit na may ibang sports association na kinikilala ang Philippine Olympic Committee (POC). Sa katunayan ay kumakayod ang EquestrianPH upang makadiskubre pa rin at makapagkaloob ng tamang pag-eensayo para sa mga international champions gaya na nina Marie Antointte ‘Toni’ Leviste, Joker Arroyo at Colin Syquia. […]