Bukod sa regalo nila na ‘Mission To Venus’ watch: Pagkanta nina ZIA at SIXTO, ‘the best gift’ para kay MARIAN
- Published on August 17, 2022
- by @peoplesbalita
“MY everything,” ang sabi ni Kapuso Primetime Queen tuwing ipu-post niya sa social media accounts ang family, husband Kapuso Primetime King Dingdong Dantes and their two children na sina Zia at Sixto.
Labis ang kasiyahan niya na after three years ay muli siyang nakapag-celebrate ng birthday, dahil during the pandemic, tahimik lamang siyang nagsi-celebrate with her family.
Kaya bonggang-bongga ang kanyang 38th birthday last August 12, kasama ang family and friends niya.
Napakaraming gifts na natanggap si Marian, pero ang ‘the best gift’ para sa kanya ay nang personal siyang kantahan nina Zia at Sixto. Zia sang “Kahit Maputi na Ang Buhok Ko” na pinalakpakan din ng mga guests.
Si Sixto naman ay kinanta ang “Can’t Help Falling in Love With You” kaya lalong naging very proud si Marian sa mga anak.
Hindi rin nalimutang i-share ni Marian, ang birthday gift sa kanya ng mga anak na isang Mission To Venus watch na isang collaboration of the brands Omega and Swatch na sabi’y nagkakahalaga ng $260 or more or less P15,000. Caption ni Marian sa IG: “Thank you Ate [Z] and Six,” with a white heart emoji.
***
MARAMI na talagang naghihintay kung kailan ang airing ng much-awaited GMA Network’s live-action series na “Voltes V: Legacy.”
Kaya naman nag-share na si Kapuso Director Mark Reyes sa Instagram some of his thoughts about the show, na itinuring niyang, “a “passion project:” #volteslegacy is the definitive passion project for me. It is perhaps more creatively challenging, emotionally stressful, physically taxing and white hair enduring series that I have been involved in.”
Nagpasalamat si Direk Mark sa kanyang team headed by GMA Entertainment AVP for Drama Helen Rose Sese, Telesuccess Productions representatives Larson Chan and Teejay del Rosario, and Voltes V; Legacy executive producer Darling Torres, na itinuring niyang a “blessing” in this crazy journey, sama-sama silang tumatawa, umiiyak, sweat and froze together these past 3 years.”
Kasama sa star-studded cast sina Miguel Tanfelix, Ysabel Ortega, Radson Flores, Raphael Landicho at Matt Lozano. The show is set to premiere in 2023.
***
NASA last two weeks na lamang ang first sports serye ng GMA Network, ang “Bolera,” ni Kylie Padilla.
Isa nga sa inaabangan dito ay kung tuluyang mabubulag si Joni, kaya paano na ang kanyang ambisyon na magtagumpay bilang “Philippines 9-Ball Cup Champion” tulad nang yumao niyang ama?
Sino ang makatutulong kay Joni para magtagumpay, ang boyfriend niyang si Miguel El Salvador (Rayver Cruz), best friend Toypits (Jak Roberto), ang ina niyang si Tessa (Jaclyn Jose), si Coach Freddie (Joey Marquez), o ang pagdating ng mga billiards legends na sina Efren “Bata” Reyes, Francisco “Django” Bustamante, Rubilen “Bingkay” Amit at Johann “Bad Koi” Chua, 2022 SEA Games Billiards Champion?
Ikinagulat pa ni Joni na kilala siya ng mga billiard champions
Totoong kasabik-sabik sa mga viewers ang pagpasok ng mga billiards champions sa “Bolera,” na tiyak na siyang magtuturo kay Joni kung paano siya maglalaro ng billiards kahit halos bulag na siya?
Isa pang dapat mabunyag sa story ay ang pagpatay ni Cobrador (Gardo Versoza) sa ama ni Joni.
Abangan ang lahat ng iyon, sa natitirang ilang gabi pa ng sports-serye pagkatapos ng “Lolong.”
(NORA V. CALDERON)
-
SEN. MANNY, inalala ang mapanghamon na 26 years ng kanyang boxing career
MALAYO na nga ang narating ni Manny “Pacman” Pacquiao o Emmanuel Dapidran Pacquiao sa tunay na buhay. Mula sa binatilyong nangarap na maging magaling na boksingero, natupad niya ito at higit pa! Kaya naman bilang pag-alala sa 26 na taon ng kanyang pagiging professional boxer, proud na proud na ibinahagi ni […]
-
Metro Manila bike lane network binuksan
Binuksan noong nakaraang Martes ng Department of Transportation (DOTr) ang P801.83 million na bicycle lane network sa Metro Manila na siyang huling bahagi ng 497-kilometer nationwide bike lane network na ginawa ng Department of Public Works and Highways (DPWH). “Today marks the end of the long wait of cyclists for safe and quality […]
-
DRUG TEST SA DRAYBERS
‘DI mapuksang mga drug addict. Kahit pa madugo ang kampanya ng pamahalaan laban sa drug traffickers, patuloy pa rin ang pagkalat ng shabu at ka-bilang sa mga nalululong dito ay ilang jeepney dri-vers na namamasadang kargado ng shabu at lubhang delikado sapagkat nananagasa sila ng mga tumatawid na pedestrians at mga naghihintay na pasahero. […]