Bukod sa repeat ng ‘Dear Heart: The Concert’ next year: SHARON at GABBY, willing nang magtambal para sa reunion movie
- Published on November 20, 2023
- by @peoplesbalita
BALIK-DRAMA si Claudine Barretto, with “Lovers/Liars” na isang co-production venture between Regal Entertainment and GMA Network. Inspired ito ng film ni Joey Reyes na “Bayarang Puso” na tungkol sa romance between rich woman and a younger man, na dating ginampanan nina Lorna Tolentino at Aga Muhlach.
Ang huling teleserye ni Claudine sa GM,A ay ang “Iglot” with Marvin Agustin. Kaya after twelve years nagbabalik-Kapuso si Claudine.
At sa “Lovers/Liars” makakatambal niya si Yasser Marta as the young architect she has an affair with.
Hindi ba nanibago si Claudine makipag-interact sa mga young actors na kasama niya sa serye? “Hindi naman. Yes, noong una medyo nag-worry ako dahil most of them ngayon ko lamang makakasama sa trabaho,” sagot ni Claudine.
“But everyone in the show is very caring and very nice and very talented. I felt at home in their company, and I can say na yung mga young co-stars ko ay malayo ang mararating nila. And with the help of our director, Crisanto Aquino, maayos ang tapings namin.”
Bakit tinanggap ni Claudine ang project?
“Ang daming ibang scripts ang natanggap ko pero ito ang pinili ko kasi it gives me the chance to finally work with Regal. In the early 90’s dapat gagawin noon ang “Gwapings” with them pero hindi natuloy. Finally, natuloy na rin ngayon, nagustuhan ko ang story nang ikuwento nila sa akin at napansin kong iba siya sa nagawa na dati na about secrets and lies na sumisira sa relationships.
“I played the role of Via Laurente, an accomplished woman who’s my age now, and the treatment is very daring, matapang siya, na ngayon ko lamang gagawin.
“Tinanong nga ako ng director namin kung may limitations daw ako pero sabi ko kung ano ang ipagawa niya, I am willing to do it.”
NGAYONG gabi na ang world premiere ng “Lovers/Liars” at 9:35pm sa GMA-7, after ng “Love before Sunrise.”
***
TULUY-TULOY ang saya ng mga Sharon Cuneta-Gabby Concepcion followers dahil pagkatapos ng kanilang “Dear Heart: The Concert” sa Cebu last Friday, November 17, nag-announce na sila na tuloy na ang repeat concert nila.
Magaganap ito sa February 13, 2024, sa MOA Arena pa rin, sagot nila sa tindi ng request ng kanilang mga fans.
May dagdag pang balita si Sharon na pareho silang willing muling magtambal ni Gabby para sa reunion movie na request ng mga fans nila. Kaya ang mga fans dasal na nilang sana raw ay mapanood na nila ito sa 2024.
Pahinga muna si Sharon pagkatapos ng tatlong concerts nila ni Gabby, at naghahanda naman siya sa promotion ng movie na pagsasamahan nila ni Alden Richards para sa Metro Manila Film Festival ngayong December.
At dahul tapos nang mag-taping si Gabby ng “Stolen Life,” balik-taping na siya ng drama series nila ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera.
***
MARAMING nagulat sa issue raw tungkol kina Kapuso actress Kazel Kinouchi at ni Kapamilya actor Richard Gutierrez.
Kaya umingay ang tahimik na pangalan ni Kazel, ang mataray na doctor na si Zoez Tanyag na kaaway ni Jillian Ward sa afternoon GMA prime series na “Abot-Kamay na Pangarap,” na nagpapanggap na magkapatid sila ni Jillian.
Biglang-bigla raw kasing may mga lumabas na mga photos niya na kasama si Richard at mga anak nito kay Sarah Labhati. Sa ngayon kasi ay hindi pa malinaw ang issue kung totoo ngang nagkakalabuan ang relasyon ng mag-asawang Richard at Sarah.
Kaya ang hinarap ng mga netizens ay si Kazel na mabilis na sumagot ng “NO!” at sa mga humirit, sabi niya ay “Get a life seriously!”
Pero tahimik pa rin si Richard at naniniwala din ang mga fans nila ni Sarah na maaayos din kung anuman ang nangyayari sa kanilang relasyon ngayon.
(NORA V. CALDERON)
-
PDU30, tuluyan nang tinuldukan ang E-sabong
TULUYAN nang tinuldukan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang E-sabong kasunod ng reKOmendasyon ni Interior Secretary Eduardo Año. “The recommendation of Sec. Año is to do away with e-sabong,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang Talk to the People, araw ng Martes. “And I agree with it, E-sabong will end by […]
-
Pilipinas bumaba ang ratings sa pagiging masayahin – research
Bumaba ang ratings ng Pilipinas sa dami ng mga Filipino na masaya ngayong 2021. Ayon 2021 World Happiness REport ng United Nations na sa pang number 61 na ang ranking ng Pilipinas mula sa dating pang-52 noong 2020. Gumamit ang researchers ng Gallup data kung saan tinatanong ang mga tao na i-rate […]
-
Marunong ang Diyos- PDU30
SINABI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na nakagawa siya ng magandang impresyon sa Diyos kaya’t hinayaan siyang matapos ang anim na taon ng kanyang pagkapangulo. “I walk with a limp, due to small fractures from riding motorcycle. Marunong ang Diyos, binigay sa akin ang presidency, katandaan ko [na]…last year, naglabasan na lahat ng […]