• December 4, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bulacan airport magiging airport gateway sa Luzon

ANG bagong itatayong Bulacan airport ay isang proyektong makapagbibigay ng tulong sa programa ng pamahalaan upang lumuwag sa Metro Manila at mapalago ang regional development sa buong Luzon.

 

Si Senator Go ang isa sa nag nag co-sponsored ng House Bill No. 7507 ang isa sa magbibigay sa San Miguel Aerocity Inc. ng franchise upang magtayo, pagpalago, gumawa, mangasiwa, at mamahala sa domestic at international airport at sa adjacent airport sa Bulacan, Bulacan.

 

Sinabi Go na binibigyan niya ng suporta ang plano na magbukas ng bagong airport sa Bulacan at siya ay nagpapasalamat sa tulong ng San Miguel Corp.

 

“The new airport would complement the government’s Balik Probinsiya, Bagong Pag-asa Programwhich encourages Metro Manila residents to explore better economic opportunities at start anew in their home provinces. This project is a prime example of how the public and private sectors can work hand-in-hand in building a better future for our people,” sabi ni Go.

 

Ayon kay Go, ang proyekto ay makapagbibigay ng solusyon sa madaming problema sa capital, lalo na nagyon nasa gitna tayo ng paghina ng economy dahil sa coronavirus disease pandemic.

 

Makakatulong ang pagtatayo ng Bulacan airport ng matagal sa pagbibigay ng trabaho at iba pang economic opportunities sa labas ng Metro Manila na siyang makapagbibigay ng solusyon upang maging maluwag ang mga urban areas.

 

Ang bagong itatayong Bulacan airport ay magiging kaagapay ng mga proyektong tulad ng Balik Probinsiya, Bagong Pag-asa Program na naglalayon na mapaganda ang infrastructure, magbigay ng trabaho, itaas ang pamumuhay ng mga tao sa mga magkakalapit na lugar, at mabawasan ang pagsisikip sa Metropolis.

 

Samantala, sinabi naman ni SMC president at COO Ramon Ang na magsisimula na ang construction ng P734 billion na airport ngayon buwan. Ayon kay Ang, ang unang phase ng proyekto ay ang pagtatayo ng dalawang (2) runways na inaasahang matatapos sa loob ng lima (5) hanggang anim (6) na taon.

 

Ang House Committee on Ways and Means naman ay binigyan ng tax provisions ang proposed na legislative franchise na siyang magiging daan sa SMC sa pagtatayo at pangangasiwa ng 2,500-hectare na “Airport City sa Bulacan.

 

Ang pagtatayo ng airport ay makapagbibigay ng approved na tax exemptions sa SMC sa loob ng sampung (10) taon.

 

“These include exemptions from the payment of all direct and indirect taxes, as well as fees which emanate exclusively from the con- struction, development, establishment and operation of New Manila International Airport and its commercial complex,” dagdag ng SMC.

Other News
  • Sunog, sumiklab sa main office ng Comelec sa Palacio del Gobernador

    KONTROLADO na raw ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang sunog na sumiklab sa Commission on Elections (Comelec) office sa Palacio del Gobernador, Intramuros Manila.     Base sa report ng BFP-National Capital Region (NCR) Public Information Office, nagsimula ang sunog sa ika-pitong palapag ng naturang gusali.     Itinaas sa unang alarma ang sunog […]

  • Giit ni Sec.Andanar: media workers, iprayoridad din sa pag-roll out ng Covid-19

    IGINIIT ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar ang pangangailangan na iprayoridad ang mga media workers sa pag- rollout ng Covid-19 vaccine sa oras na maging available na ito.   Sinabi ni Sec. Andanar na kailangan din na ikunsidera bilang mga front-liners ang mga media workers.   “Front-liners ‘yan. Kahit anong mangyari, ang media ay araw-araw […]

  • E-sabong isama sa mga illegal gambling – PNP

    NAIS ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Rodolfo Azurin, Jr. na isama ang e-sabong sa listahan ng mga illegal gambling sa bansa.     Ayon kay Azurin, inirekomenda ng Anti Cybercrime Group sa Kongreso ang pagsasama ng e-sabong sa ilegal na sugal na may parusa sa ilalim ng Presidential Decree 1602.     Sinabi […]