• March 15, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bulacan, muling isinailalim sa MECQ na may localized lockdowns mula Agosto 16-31

LUNGSOD NG MALOLOS – Sa tagubilin ng National Inter-Agency Task Force (IATF), inanunsiyo ni Gob. Daniel R. Fernando kamakailan na mula ngayon, Agosto 16-31, muling isinailalim ang Lalawigan ng Bulacan sa modified enhanced community quarantine (MECQ) ayon sa Executive Order No. 30 series of 2021 na may localized lockdowns at curfew mula 8:00 ng gabi hanggang 5:00 ng umaga bunsod ng biglang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa probinsiya.

 

 

Sa kanyang mensahe kamakailan sa Cyberspace League 87.9 NYC-FM, may mga paghihigpit pa rin na kailangang sundin habang nasa ilalim ng MECQ at pinayuhan ang mga Bulakenyo na iwasan ang mga pagtitipon lalo na at mas mabilis makahawa ang Delta variant.

 

 

“Nandoroon pa rin ang mga restrictions na kailangan natin sundin lalo na at may banta pa ng Delta variant na mas madali at mabilis makahawa. Mas paigtingin natin ang pag-iingat; hangga’t maaari iwasan natin ang mga mass gathering,” ani Fernando.

 

 

Bukod dito, ang pinapayagan lamang sa interzonal travel sa loob ng NCR Plus areas kasama na ang Bulacan ay ang mga authorized persons outside of residence (APOR) kung saan limitado lamang ang paggalaw sa pag-access sa essential goods, sa mga trabaho sa mga pinahihintulutang establisimiyento at iba pang mga aktibidad na pinapayagan sa lugar.

 

 

Ang iba pang mga aktibidad gaya ng indoor dine-in ay pinahihintulutan na may 10% na kapasidad lamang; ang indibidwal na pag-eehersisyo ay pinapayagan sa loob lamang ng lugar ng kanilang tinitirhan; ang mga religious activities, burol, kasalan at binyagan ay pinahihintulutan lamang na may 10% na kapasidad ngunit maaaring itaas ng LGU hanggang 30% sa mga necrological service, wakes inumment, at burol para sa mga malalapit na pamilya.

 

 

Dagdag pa dito, ang pag-access at paggamit ng iba pang pampublikong pasilidad ay hindi pinahihintulutan habang nasa MECQ kabilang na ang mga indoor/outdoor tourist attractionsvenues para sa mga meetingconferenceexhibitionspecialized market ng DOT gaya ng staycation/DOT-accredited accommodationhorse racing na may off-track betting (OTB) stationindoor sports courts at venuesentertainment venues gaya ng barsconcert halls at sinehan; recreational venues gaya ng internet cafésbilliards at arcadesamusement parksfairs, playgrounds at kiddie rides habang ang mga personal care services gaya ng mga salonparlorbeauty clinic at iba pa ay pahihintulutan na may 30% na kapasidad lamang.

 

 

Inatasan din ni Fernando ang mga lokal na pamahalaan sa kung anong mga lugar sa kanilang nasasakupan ang kailangang isailalim sa lockdown upang makontrol ang pagkalat ng virus.

 

 

Sa datos kahapon ng alas 4:00 ng hapon, nakapagtala ang Bulacan ng 469 na fresh cases at 11 late cases na walang bagong naitalang pagkamatay at may 223 bilang ng mga gumaling.

Other News
  • NAVOTEÑOS HINIKAYAT NA MAGPABAKUNA

    NANAWAGAN si Mayor Toby Tiangco at Congressman John Rey Tiangco sa kanilang kababayan Navoteños na huwag palampasin ang pagkakataon magpabakuna ng Moderna at Pfizers vaccines na mayroon ang Pamahalaang Lungsod ngayon.     Ito’y matapos makarating sa kanila na sa 3,000 slots ng Moderna vaccine na nakalaan ay 948 lamang ang dumating para magpabakuna.   […]

  • Bulacan, pinasinayaan ang unang PESO Building sa Central Luzon

    Pinasinayaan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamumuno nina Gobernador Daniel R. Fernando at Bise Gobernador Wilhelmino M. Sy-Alvarado ang unang stand-alone PESO Building sa Central Luzon kasabay ang paggunita sa ika-94 Anibersaryo ng Kapanganakan ni Gat Blas F. Ople na ginanap sa harap ng Provincial Livelihood Center (Gat Blas Ople Building), Antonio S. Bautista, Provincial Capitol […]

  • Nat’l Maritime Council sa gitna ng ‘range of serious challenges’, tinintahan ng Pangulo

    TININTAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Executive Order (EO) No. 57 na lilikha ng National Maritime Council (NMC) para palakasin ang maritime security ng Pilipinas at itaas ang maritime domain awareness ng mga filipino sa gitna ng agresibong taktika at pagbabanta ng Tsina sa West Philippine Sea (WPS).     Sa anim na […]