Bulacan, pasok bilang 10th Most Competitive Province
- Published on February 12, 2022
- by @peoplesbalita
LUNGSOD NG MALOLOS- Isa na namang parangal ang nadagdag sa Lalawigan ng Bulacan sa ilalim ng pamumuno ni Gob. Daniel R. Fernando sa pagkakamit ng lalawigan sa ika-10 pwesto bilang Most Competitive Province na iginawad ng Department of Trade and Industry (DTI) at Cities and Municipalities Competitiveness Index (CMCI) noong Enero 31, 2022.
Ang nasabing pagkilala ang pangatlong sunod na taon para sa lalawigan na nakuha ang ikawalong pwesto noong 2020 at ikasiyam na pwesto noong 2019.
Malaking pagsulong ito sa Bulacan na nasa ika-49 pwesto noong 2018, ika-48 noong 2017, ika-24 noong 2016, at ika-44 noong 2015. Pinatutunayan din nito ang epektibong istratehiya sa ekonomiya ng Bulacan sa ilalim ng administrasyon ni Fernando.
Higit pa sa pagkilala, naniniwala ang gobernador na maaaring masukat ang tagumpay ng pagiging palaban ng Pamahalaang Panlalawigan sa pamamagitan ng kasiyahan na natatanggap ng mga Bulakenyo sa mga programa, plano at proyekto para sa mga tao.
“Ipinapakita po sa nakamit nating ito na tagumpay ang ating lalawigan sa pangangalaga sa ating ekonomiya kabilang na diyan ang mga maliliit na negosyo at pagbibigay ng oportunidad na makapagtrabaho. Pinilay man ng pandemya ang ating ekonomiya, hudyat ang pagkilalang ito ng unti-unting pagbangon ng ating lalawigan,” ani Fernando.
-
Dating asawa na si Carla, in-unfollow na rin: TOM, balik-socmed na at nag-post ng nakaiintrigang photo
BINASAG na ni Tom Rodriguez ang pananahimik niya sa social media, nang mag-post siya ng isang nakaiintrigang photo sa kabila ng annulment rumors na ipa-file ng wife niyang si Carla Abellana. At balitang nagpapatayo na ito ng bagong bahay habang naghihintay pa siya ng buyer ng kanyang posh condominium unit sa Pasig City. […]
-
Pagdami ng miyembro ng Pag- Ibig, indikasyon na maraming mga Pinoy ang nais na magkaroon ng sariling tahanan -PBBM
PATULOY ang pagdami ngayon ng mga miyembro ng Pag-IBIG Fund Ngayon. Sinabi ni Pangulong Ferdinand R Marcos Jr. na ito’y isang indikasyon na sadyang maraming mga Filipino ang may interes na magkaroon ng sariling bahay. Ayon sa Pangulo, may market ang pabahay at tama lang aniya na tinutugunan ng gobyerno ang […]
-
Gusto raw wasakin sina Tito, Vic at Joey: CRISTY, ‘di sumang-ayon kay Direk DARYLL sa ginagawang pelikula
SA last episode ng “Showbiz Now Na” last Sunday, January 5, kinumpirma ng veteran radio-TV host na si Cristy Fermin na kinausap at hiningan siya ni Direk Darryl Yap ng opinyon tungkol sa gagawin niyang life story ng 80s sexy star na si Pepsi Paloma. At ano sa palagay niya ang dahilan kung bakit tinanggihan umano ng […]