• September 24, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bulacan, pinasinayaan ang unang PESO Building sa Central Luzon

Pinasinayaan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamumuno nina Gobernador Daniel R. Fernando at Bise Gobernador Wilhelmino M. Sy-Alvarado ang unang stand-alone PESO Building sa Central Luzon kasabay ang paggunita sa ika-94 Anibersaryo ng Kapanganakan ni Gat Blas F. Ople na ginanap sa harap ng Provincial Livelihood Center (Gat Blas Ople Building), Antonio S. Bautista, Provincial Capitol Compound dito kaninang umaga.

 

 

May temang “Gat Blas F. Ople: Huwaran ng Kabataan, Ama ng Kabuhayan at Kaalaman”, binuhay ng mga Bulakenyo ang dakilang buhay ng ‘Ama ng Overseas Employment’ sa isinagawang unang bahagi ng programa.

 

 

Inalala rin ni Fernando ang mga ginawa ni ‘Ka Blas’ sa kanyang panahon at kung paano niya inialay ang kanyang buhay sa serbisyo.

 

 

“Binago niya po ang kahulugan ng pagiging pulitiko at lingkod bayan. Siya ay hindi kailan man naging gahaman sa kapangyarihan at siya ang naglingkod ng tahimik at buong kababaang loob hanggang sa huling sandali ng kanyang buhay,” anang gobernador.

 

 

Sinundan ito ng seremonya ng opisyal na pagpuputol ng laso ng tatlong palapag na PESO building na may training rooms at lecture at conference rooms na nagkakahalagang P20 milyon na magbibigay ng iba’t ibang kasanayan, kabuhayan at trabaho sa mga Bulakenyo.

 

 

Sa kanyang mensahe bilang panauhing pandangal, pinuri ni Department of Labor and Employment Sec. Silvestre H. Bello III ang PESO Bulacan para sa kanilang pagnanais na palawigin ang kanilang serbisyo at hinamon sila na magkaroon pa ng mas mahusay na oportunidad para sa mga Bulakenyo.

 

 

“Labis kong ikinagagalak na hanggang sa kasalukuyang panahon ay hindi pa rin natitinag ang inyong kagustuhan na palawigin ang kalidad ng inyong pagsisilbi sa publiko. I challenge the Provincial PESO to push forward with the full institutionalization of the demeaning LGU-based public employment service offices in your province as we ascend in the new and better normal and journey towards bridging quality employment opportunities for all,” ani Bello.

 

 

Sinabi rin ng gobernador na mahalaga ang araw na ito para sa pagkakamit ng bagong tagumpay para sa lalawigan.

 

 

“Isa rin itong mahalagang araw para sa pagpapasinaya ng ating bagong PESO Building dito sa ating lalawigan. Makahulugan po ang araw na ito dahil ito ay katuparan ng isa sa mga hangarin ng ating Pamahalaang Panlalawigan tungo sa pagpapaunlad ng kabuhayan ng mga Bulakenyo,” ani Fernando.

 

 

Si Ople ay isang kampeon ng International Labor, tagabuo ng 1987 Konstitusyon ng Pilipinas, pangulo ng senado mula 1999 hanggang 2000 at kalihim ng Ugnayang Panlabas mula 2002 hanggang sa kanyang pagkamatay. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • KASO NG DELTA VARIANT, NADAGDAGAN PA

    SA  patuloy na pagtukoy ng mga variant of concern at variant of interest ng Philippine Genome Center (PGC) , ngayong araw ay muling nakapagtala bg karagdagang 466 Delta variant (B.1.617.2) .     Mayroon ding natukoy na  90 Alpha (B.1.1.7) variant cases, 105 Beta (B.1.351) variant cases, at 41 P.3 variant cases sa huling batch […]

  • IATF, Metro Manila mayors nagkasundo na sa MGCQ simula Marso 1 – Palasyo

    Inaasahang aaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) na isailalim na sa modified general community quarantine (MGCQ) ang buong bansa simula Marso 1.     Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, maging ang mga Metro Manila mayors ay sumang-ayon na rin rito at kailangan na lamang […]

  • Worst is over, best is yet to come-Diokno

    SINABI ni Finance Secretary Benjamin Diokno na habang “the global economy is likely to face a mild recession” sa  2023 matapos ang COVID-19 pandemic at pagsalakay ng Russia sa Ukraine, “the worst is over and better years are expected” para sa Pilipinas. Sa isang kalatas, sinabi ni Diokno na ang Pilipinas ay “did very well […]