• March 15, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bulacan, sumailalim na sa alert level 2

LUNGSOD NG MALOLOS – Isinailalim na ang Bulacan sa Alert Level 2 alinsunod sa alituntunin ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID).

 

 

“Napababa na po natin ang mga kaso, nasa low risk na po tayo. Nasa 26 na lamang ang ating positivity rate. Ang ating average daily attack rate ay nasa 4 cases out of 100,000 population. Kung noon nasa mahigit 4,000 ang active cases, ngayon nasa 1,000 na lamang kaya naman ang lalawigan ng Bulacan ay nilagay sa alert level 2 mula November 1-14. Tayo ay pinapayagan sa isang malaking pagluwag,” ani Fernando.

 

 

Ang nasabing bagong sistema ng alert level ang pumalit sa dating quarantine classifications na Enhanced Community Quarantine, Modified Enhanced Community Quarantine, General Community Quarantine at Modified General Community Quarantine.

 

 

Ayon sa Executive Order No. 43 ng gobernador, magbubukas na sa 50 porsyento ng kapasidad sa loob at 70 porsyento sa labas ang mga lugar na pinagdarausan ng pagpupulong at iba pang pagtitipon, pasyalan, amusement parksrecreational venues gaya ng swimming pools at internet café, sinehan; pagtitipong pangrelihiyon; mga pagsusulit; kainan; establisyimento para sa personal carefitness studioscontact sports; at mga lugar na may live performers gaya ng bars at concert halls.

 

 

Gayundin, papayagan lang ang operasyon ng mga ito kung bakunado ang lahat ng mga empleyado at pahihintulutan din ang mga nasa 18 taong gulang pababa kahit hindi bakunado kung may kasamang guardian na bakunado.

 

 

Samantala, hindi naman pinapayagan ang pagbubukas ng mga casinohorse racing, sabungan, sugalan at iba pang gaming establishments maliban na lamang kung pinayagan ng IATF o ng Tanggapan ng Pangulo.

 

 

Bukod dito, hindi pa rin pinapayagan ang face-to-face classes sa lalawigan hanggang hindi bakunado ang mga guro at mag-aaral.

 

 

“Ako po ay maninindigan, from preschool to high school, K-12, walang paaralan ang maaaring magsagawa ng face to face classes hangga’t ang mga empleyado at estudyante ay mabakunahan kahit man lamang 70 percent ng population, para sa higher learning at TESDA, at mga review center, maaaring pahintulutan ang limited face-to-face subject to approval of the governor bago ang pagbubukas ng klase, sasailalim din po ‘yan sa pagsusuri at maaaring baguhin anumang oras ng Office of The President,” paliwanag ni Fernando.

 

 

Inanunsyo din ng gobernador na simula sa susunod na linggo, maaari nang magparehistro at magpabakuna ang mga batang may comorbidity na may edad 12-17 gulang.

 

 

Binigyang diin niya na kailangan pa ring sundin ang minimum public health standards at curfew mula ika-11:00 ng gabi hanggang ika-4:00 ng madaling araw.

 

 

“Ang mahalaga ay ang unti-unting pagbabalik sa normal, ang ating kaligtasan at kabutihan ng bawat Bulakenyo,” pagtatapos ni Fernando. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Binash dahil nag-react din sa viral statement ni Ella: GISELLE, tinawag na ‘tanga’ ang mga nag-discredit sa People Power experience niya

    NAG-REACT din pala ang host/actress na si Giselle Tongi sa viral and controversial statement ni Ella Cruz na “History is like tsismis”.     Si Ella nga ang gumaganap bilang Irene Marcos sa pelikulang “Maid in Malañanang” ni Darryl Yap para sa Viva Films na ipalalabas this month na kung saan tungkol ito sa last […]

  • Super Mario Bros. Movie Posters Show New Looks For Nintendo Characters

    ILLUMINATION unveils more Super Mario Bros. Movie posters showing off the new looks for the beloved Nintendo characters for the animated adventure   Hot off the premiere of a new trailer for the animated movie, a new set of The Super Mario Bros. Movie posters have been released to showcase the colorful cast of Nintendo characters. The […]

  • Nasa office of the mayor, pero walang balak maging pulitiko… JAMES, ‘di lang aktor sa ‘Family Matters’ supervising producer din

    MUKHANG mangangabog sa takilya ang ‘Family Matters’ ng CineKo Productions ngayong Pasko, sa pagsisimula nang taunang Metro Manila Film Festival     Mula ito sa blockbuster tandem ng writer na si Mel del Rosario at direktor na si Nuel Nava na nasa likod din ng super mega-hit festival movie na ‘Miracle In Cell No. 7’ […]