Bulacan, susunod sa uniform travel protocol ng IATF
- Published on March 5, 2021
- by @peoplesbalita
LUNGSOD NG MALOLOS– Ipinatupad ni Gob. Daniel R. Fernando ang uniform travel protocol ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases sa kanyang pinakabagong inilabas na executive order kung saan hindi na kailangan ng travel authority at COVID testing bago makapasok sa Lalawigan ng Bulacan.
Ayon sa Seksyon 4 ng Executive Order No. 5, series of 2021 na pinirmahan ni Fernando noong Pebrero 28, 2021, susundin sa lahat ng lungsod at bayan sa Bulacan ang standardized travel protocols para sa lupa, dagat at himpapawid na nakasaad sa Resolution No. 101, series of 2021 na inilabas ng IATF.
Sinabi ni Fernando na buo ang kanyang suporta sa hakbang ng pamahalaang nasyunal.
“Naniniwala po tayo na ito ay kanilang pinag-aralang mabuti at kanilang nakikita na ito ay makatutulong sa ating bansa. Lubos po ang ating panalangin na ang hakbang na ito ay simula na ng unti-unting pagbabalik sa normal ng ating pamumuhay lalo pa at nariyan na po ang bakuna laban sa COVID-19,” anang gobernador.
Sinabi rin ng gobernador na kung walang sintomas ang lokal na byahero, hindi na kailangan na sumailalim sa quarantine.
Ayon din sa kaparehong executive order, inatasan ng punong lalawigan ang lahat ng lokal na pamahalaan na ipagpatuloy ang pagpapatupad ng containment strategies at targeted lockdowns sa mga lugar na mataas ang bilang ng impeksyon at hawahan ng COVID-19, ayon na rin sa pagsang-ayon ng Regional IATF.
Samantala, pinahaba ang implementasyon ng Modified General Community Quarantine (MGCQ) sa Lalawigan ng Bulacan hanggang sa hatinggabi ng Marso 31, 2021. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
Validity ng student permits, driver’s licenses pinalawig ng LTO hanggang Marso 31
Pinalawig pa ng Land Transportation Office (LTO) ang validity ng student permits, pati na rin ang lisensya ng mga drivers at konduktor, hanggang Marso 31. Ang extension na ito ay valid para sa mga indibidwal na may edad na 17 hanggang 20-anyos, pati na rin sa mga 60 pataas. Ang student permit at […]
-
Mas maraming eco activities, asahan sa Metro Manila Subway Project- PBBM
SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na asahan na ang mas maraming economic activities sa Metro Manila Subway Project. Pinangunahan kasi ni Pangulong Marcos Jr. ang ground breaking ceremony para sa pagtatayo ng Ortigas at Shaw Boulevard stations ng Metro Manila Subway Project (MMSP- COntract Package 104) sa Pasig City. Umaasa […]
-
Official Teaser Poster Unveils for “Shazam! Fury of the Gods”
With his cape flowing with the wind, “Shazam! Fury of the Gods” has just unveiled its official teaser poster. About “Shazam! Fury of the Gods” From New Line Cinema comes “Shazam! Fury of the Gods,” which continues the story of teenage Billy Batson who, upon reciting the magic word “SHAZAM!,” is […]