Bulacan, walang community transmission ng UK, South African variants
- Published on March 16, 2021
- by @peoplesbalita
LUNGSOD NG MALOLOS– Nilinaw ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan na sa ngayon ay wala pang naitatalang hawaan sa komunidad sa lalawigan ng Bulacan ng anumang COVID-19 variant partikular na ng UK at South African variant.
Ayon kay Provincial Health Officer II Dr. Hjordis Marushka Celis ng Bulacan Medical Center, nakapagtala o may natukoy na tatlong returning Overseas Filipino Worker (OFW) sa Bulacan na positibo sa bagong variant ng COVID-19 kung saan dalawa dito ay may UK variant at isang may South African variant nang sila ay dumating sa bansa galing sa Middle East noong Pebrero 2021.
Dalawa sa kanila ang walang sintomas o asymptomatic at ang isa ay may mild o bahagyang sintomas na ubo at sipon. Sila ay na-quarantine pagdating sa bansa sa pamamagitan ng OWWA Quarantine Operations.
“Nakatapos na ng quarantine ang mga returning OFWs nang lumabas ang resulta ng genome sequencing o ang proseso na isinasagawa upang malaman ang COVID-19 variant”, ani Celis.
Dagdag pa niya, “Kahit na recovered ang mga ito, mabilis paring naisagawa ang contact tracing at na-identify ang close contact at ang muling pag-quarantine sa mga returning OFWs gayundin ang pagsasagawa ng RT-PCR test sa mga close contact kung saan negatibo ang lumabas na resulta ng karamihan sa mga ito. Habang ang isang nagpositibo na close contact ay isasailalim din sa genome sequencing.”
Kaugnay nito, nakatakdang i-swab ulit ang dalawang pasyente na nagkaroon ng UK variants sa ika-15 at 19 ng Marso bilang pag-take ng extra precaution.
Ani Gob. Daniel R. Fernando, “sinusubaybayan natin ang sitwasyon dito sa bulacan at mahigpit na minamatyagan ang mga kaso lalu na sa mga bayang malapit sa Metro Manila. Magpapatuloy din ang ating selective lockdown sa mga pook o sitio na magtatala ng mataas na kaso. Ito ay isinasagawa lamang natin alang-alang sa kaligtasan ng publiko.”
Dagdag pa niya, “sa araw na ito, ako ay mahigpit na nananawagan ng sama-samang panalangin sa ating makapangyarihang Diyos. Una sa lahat, habang di pa completely natatapos ang pagbabakuna, paigtingin ang pagpapatupad ng minimum health standards, mag-ingat po tayo at huwag na huwag magpabaya. Huwag pong ipagwalang bahala ang minumum health standards (face mask, face shield, physical distancing). Sa patnubay ng Diyos, ang health protocols na ito ang nagligtas sa ating buhay at ang pagpapabaya dito ay mangangahulugan ng ating kapahamakan.” (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
4 timbog sa baril at shabu sa Malabon, Valenzuela
Swak sa kulungan ang apat hinihinalang drug personalities matapos maaresto sa isinagawang magkahiwalay na operation ng pulisya sa Malabon at Valenzuela cities. Kinilala ni Valenzuela Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) chief PLT Joel Madregalejo ang naarestong mga suspek na sina Jerome Cinco, 28, Michaell Alene Sy, 29 at April Jay Praxides, 25. […]
-
DOH pinag-aaralan kung irerekomenda na COVID-19 ‘self-test’ kits
Pinag-aaralan na ng Department of Health (DOH) kung imumungkahi na nito sa publiko ang paggamit ng COVID-19 test kits para ma-test ang sarili. Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nakipagkita na ang DOH sa Food and Drug Administration (FDA) at mga dalubhasa ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) para rito. […]
-
Pope Francis emosyunal na humingi nang tawad sa mga katutubo sa Canada
BUONG pusong humingi ng kapatawaran si Pope Francis sa mga katutubo ng Canada na naging biktima ng pagmamaltrato at pangmomolestiya umano ng ilang opisyal ng simbahan na nagpapatakbo noon sa kanilang paaralan. Sa kanyang talumpati sa harap ng mga katutubo, sinabi nito na labis siyang nahihiya sa ginawa ng kapwa niya Kristiyano sa […]