Bulkang Taal itinaas sa Alert Level 2 dahil sa ‘increasing unrest’
- Published on March 10, 2021
- by @peoplesbalita
Matapos ang halos isang taon, iniakyat muli ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa Alert Level 2 ang Bulkang Taal matapos ang serye ng papatinding ligalig magmula pa noong nakaraang buwan.
Umabot na sa 866 shallow volcanic tremor episodes at 141 low-frequency volcanic earthquakes ang ipinamamalas ng bulkan magmula pa noong ika-13 ng Pebrero, na isa sa mga dahilan ng pag-aakyat ng alert level ngayong Martes.
Maliban diyan, lubha ring umiinit at sumipa ang acidity ng Main Crater Lake. Patuloiy din ang “slight deformation” ng Taal Volcano Island sa ngayon maliban sa “microgravity changes.”
“Ang ibig sabihin, maaaring may magmatic activity na pwedeng mauwi o hindi sa pagsabog,” ayon sa babala ng Phivolcs sa Inggles, Martes.
“Sa Alert Level 2, hindi pa naman inirerekomenda ang paglikas. Gayunpaman, ipinaaalala sa publiko na Permanent Danger Zone (PDZ) ang Taal Volcano Island at ang pagpasok sa TVI, lalo na sa mga lugar ng Main Crater at Daang Kastila fissure, ay dapat panatilihing ipinagbabawal.”
Pinapayuhan din ng state volvanologists ang mga lokal na pamahalaan na patuloy tasahin ang dati nang evacuated barangays sa paligid ng Lawa ng taal para sa mga pinsala.
Pinasusuri din ang accessiblity ng mga kalsada at pinaghahanda ang mga nabanggit kung sakaling magkaroon ng mga panibagong pagkaligalig.
“Dapat ding ipaiwas ng civil aviation authorities ang mga piloto sa paglipad malapit sa bulkan lalo na’t posibleng maging magdulot ng peligro sa eroplano ang airborne ash at ballistic fragments mula sa biglaang pagputok,” dagdag pa ng Phivolcs.
Dagdag pa nila, maaaring maging delikado ang wind-remobilized ash. Patuloy naman inoobserbahan ng naturang ahensya ang aktibidad ng Bulkang Taal at agad-agad naman daw ibabalita.
Ika-16 lang ng Pebrero ngayong taon nang magkasa ng mga forced evacuations sa dalawang sitio ng Talisay, Batangas bilang pag-iingat sa mga aktibidad ng bulkan.
Matatandaang ika-14 ng Pebrero, 2020 nang ibaba rin ng gobyerno sa Alert Level 2 ang bulkan matapos nitong mag-alboroto nang husto noong Enero ng taong iyon.
Ika-12 ng Enero nang magbuga ng ash column ang Taal hanggang sa tuluyang magluwa ng lava fountain sa sumunod na araw. Dahil dito, inilikas ang libu-libo at nasira ang maraming kabahayan at establisyamento sa Batangas.
Umabot hanggang Metro Manila ang abo mula roon, dahilan para payuhan ang lahat na magsuot ng n95 masks dahil sa negatibong epekto nito sa kalusugan. (Gene Adsuara)
-
ASEAN leaders, opisyal na sinimulan ang 43rd summit sa Indonesia
OPISYAL na sinimulan ng mga top leaders ng ASEAN member-states, araw ng Martes ang 43rd ASEAN Summit sa Jakarta Convention Center sa Indonesia. Dumalo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa opening ceremony kasama sina ASEAN Summit Chair at Indonesian President Joko Widodo, Brunei’s Sultan Hassanal Bolkiah, Cambodia Prime Minister Hun Manet, Lao PDR […]
-
Aplikasyon para sa pagpasok at pre-enrollment sa Bulacan Polytechnic College, nagsimula na
LUNGSOD NG MALOLOS– Maaari nang magsimula sa proseso ang mga Bulakenyong estudyante na nagnanais na magpatuloy ng libreng pag-aaral sa pagbubukas ng Bulacan Polytechnic College ng aplikasyon para sa pagpasok at pre-enrollment para sa Taong Pampaaralan 2021-2022 noong Abril 22, 2021 at tatagal hanggang Agosto 15, 2021. Sinabi ni Gobernador Daniel R. Fernando na hindi […]
-
PINAKAMABABANG ACTIVE CASES NAITALA NG NAVOTAS
NAITALA ng Navotas City ang bagong record na pinakamababang aktibong kaso ng COVID-19 ngayong taon. Ayon sa ulat ng sa City Health Office, ang Navotas ay mayroon lamang 31 aktibong kaso nitong Nobyembre 2 na mas mababang record noong Pebrero 6 na may 33 kaso. “Just this Saturday, during our situationer, […]