BUNTIS, 2 ELECTRICIAN KULONG SA BARIL AT P170K SHABU SA CALOOCAN
- Published on September 24, 2021
- by @peoplesbalita
SHOOT sa kulungan ang tatlong hinihinalang drug pushers kabilang ang 18-anyos na buntis matapos makuhanan ng baril at halos P.2 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr, ang naarestong mga suspek na sina John Patrick Chico, 20, electrician, Mark Anthony Asor, 21, electrician at Janelle Gozo, 18, pawang ng Brgy. 150, Bagong Barrio.
Ayon kay Col. Mina, nakatanggap ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng impormasyon mula sa isang regular confidential informant hinggil sa umano’y illegal drug activities ng mga suspek kaya’t isinailalim ang mga ito sa isang linggong validation at surveillance.
Nang makumpirma ang ulat, ikinasa ng mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni PMAJ Deo Cabildo, kasama ang Bagong Barrio Police Sub-Station 5 at 6th MFC RMFB-NCRPO ang buy-bust operation sa Moises St., Brgy. 150, Bagong Barrio dakong alas-9:30 ng gabi kung saan isang undercover police ang nagawang makipagtransaksyon sa mga suspek ng P7,500 halaga ng droga.
Nang tanggapin ng mga suspek ang marked money mula sa poseur-buyer kapalit ng isang medium transparent plastic sachet ng shabu ay agad silang inaresto ng mga operatiba.
Nasamsam sa mga suspek ang tinatayang nasa 25 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P170,000, buy-bust money na isang tunay na P500 bill at 7 pirasong P1,000 boodle money, isang cal. 9mm pistol na kargado ng magazine at 3 bala.
Nahaharap ang mga naarestong suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 at RA 10591. (Richard Mesa)
-
Gawilan lalangoy, pasok sa Tokyo Para Games
MAY panlaban rin ang Philippine Team sa 2020 Tokyo Para Olympics matapos makasungkit ng slots si swimmer Ernie Gawilan matapos maabot ang kinakailangang puntos para mapasabak sa quadrennial meet na nakatakda sa Agosto 25 hanggang Setyembre 6. Nakalap ni Gawilan ang Olympic points bunsod nang matikas na kampanya sa 2018 Asian Para Games sa […]
-
PBBM, Cambodian PM nagkita, nagpulong sa Palasyo ng Malakanyang, tinalakay ang defense, trade ties
MAINIT na tinanggap ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., araw ng Martes, Pebrero 11, si Cambodian Prime Minister Samdech Moha Borvor Thipadei Hun Manet sa Palasyo ng Malakanyang. Si Hun Manet, sa pangalawang araw nito sa Pilipinas, pinagkalooban ng arrival honors sa Kalayaan grounds ng Palasyo ng Malakanyang. Kasama naman ni Pangulong Marcos […]
-
Ads March 25, 2022