• April 25, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Buntis na mga batang ina, lumobo – PopCom

NAALARMA ang Commission on Population and Development (PopCom) sa patuloy na pagdami ng mga kabataan na nabubuntis sa murang edad pa lamang.

 

Ayon kay USec. Juan Antonio Perez III, Executive Director ng PopCom, sa kasalukuyan ay nasa edad 10 – 14 taong gulang ang nabubuntis na mga kabataan dahil na rin sa kakulangan ng edukasyon at pangangalaga ng magulang.
Lumabas sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) na noong 2017 ay nasa 1,958 ang kabataan na nabuntis at umabot pa ng 2,250 sa kasunod na taon.

 

Kaya naman itinutulak nila ang emergency bill sa mga mambabatas na ipasa na ang Teenage Pregnancy Prevention Bill. Kaya naman hihingi na sila ng saklolo kay Pangulong Rodrigo Duterte na mapabilis na ang Teenage Pregnancy Bill dahil sa ngayon ay nasa 108-million na ang populasyon ng bansa.

 

Inihalintulad pa ng PopCom ang populasyon ng Thailand na nasa 34 million at ang Pilipinas ay nasa 35 million ngunit ngayon ay nasa 68 million lamang ang populasyon ng Thailand at halos nagdoble ang dami ng Pilipinas
Dagdag pa nito na kailangang maprayoridad na ang teenage pregnancy bill na maging batas para makatulong na mapigilan ang paglobo ng populasyon ng bansa at ganon na rin sa ekonomiya.

Other News
  • 4 biktima ng “palit-ulo scam” sa Valenzuela, tumanggap ng tig P1-milyon

    INIHAYAG ni Valenzuela City Mayor Wes Gatchalian na matapos ang pitong buwan mula noong unang nasiwalat ang “Palit-Ulo Scam”, nagkaroon na ng dayalogo at maayos na resolusyon sa pagitan ng Ace Medical Center at apat na biktima.       Bukod dito, nagpaabot din ang Ace Medical Center ng tulong pinansyal na tig P1 miylong […]

  • PBBM, inirekomenda si Cheloy Garafil bilang MECO board chairman

    INIREKOMENDA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si dating Presidential Communications Office (PCO) secretary Cheloy Garafil bilang miyembro at chairman ng board of directors ng Manila Economic and Cultural Office (MECO).   Ang anunsyo ng Pangulo ay ibinahagi ng PCO sa Facebook Page nito.   Nauna rito, kinumpirma ni PCO Secretary Cesar Chavez na itinalaga ni […]

  • BI, NANANATILING NAKA-FULL FORCE

    NANANATILI pa rin na nasa “full force”  Bureau of Immigration (BI) para sa dagsa ng  mga pasahero na bumibiyahe papasok at  palabas ng bansa dahil sa Undas.     Sinabi no BI Commissioner Norman Tansingco na ang kanilang frontline personnel ay nananatiling nasa heightened alert at tiniyak na may sapat silang tao upang pagsilbihan ang […]