• April 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bus routes sa ‘Libreng Sakay’, posibleng dagdagan

PINAG-AARALAN na ng Department of Transportation (DOTr) ang posibilidad na magdagdag pa ng mga libreng bus rides sa mas maraming ruta, sa ilalim ng kanilang ‘Libreng Sakay Program’.

 

 

Ayon kay DOTr Undersecretary Cesar Chavez, makikipagpulong si DOTr Secretary Jaime Bautista sa mga pinuno ng mga ahensiyang may kinalaman dito upang talakayin ang isyu.

 

 

Aniya pa, sa ngayon ay sapat lamang ang budget ng DOTr para sa kasaluku ‘yang mga ruta ng libreng sakay.

 

 

“Nire-review ‘yan nga­yon sapagkat ‘yung budget na nakalaan, of course through congressional approval at nung nakaraang administrasyon, ay sasapat lang at hindi kasama ‘yung ibang ruta na hinihi­ling nila ngayon,” paliwanag pa ni Chavez, sa panayam sa telebisyon nitong Lunes.

 

 

Matatandaang noong Biyernes ay inaprubahan na ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ang pagpapalawig sa EDSA Carousel bus rides hanggang sa Disyembre 2022, mula sa dating hanggang Hulyo 30, 2022 lamang.

 

 

Inaprubahan din ng pangulo ang pagkakaloob ng libreng sakay para sa mga estudyante na gumagamit ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3), Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) at Philippine National Railways (PNR) sa pagbubukas ng klase sa Agosto 22.

 

 

Ipinaliwanag naman ni Chavez na hindi sustai­nable ang libreng sakay para sa lahat sa MRT-3 dahil ang naturang rail line ay mayroon lamang P82 milyong revenue collection noong Enero, habang gumastos ito ng P722 milyon para sa libreng sakay.

 

 

Hindi rin aniya maaa­ring magkaloob ng libreng sakay ang LRT-1 para sa lahat dahil ito’y nasa ilalim ng isang concession agreement sa Light Rail Manila Corporation (LRMC) at walang kontrol ang pamahalaan sa operasyon at kita nito. (Daris Jose)

Other News
  • MMDA: LGUs sa MM magpapatupad ng 7:00 hanggang 4:00 working hours

    SIMULA ngayong Lunes ang mga local government units (LGUs) sa Metro Manila ay magpapatupad ng 7:00 sa umaga hanggang 4:00 ng hapon ang working hours na pinagtibay ng isang Metro Manila Council (MMC) resolusyon na may petsang Feb. 28, 2024.       Ayon sa MMDA mula sa kabuohang 645,000 na empleyado ng pamahalaan sa […]

  • Direk ERIK, muling makakatrabaho si SHARON at may movie rin sila ni BEA

    MARAMING bago at exciting na palabas ang dapat abangan sa UPSTREAM, ang  pinakamalaking online streaming platform na ginawa ng mga Pilipino para sa mga Pilipino.     Kabilang dito ay mga sure-fire box-office hits at mga originals, na ang ilan ay gawa ng multi-awarded at critically-acclaimed director na si Erik Matti.     Ang Upstream Original, […]

  • Sindikato sa ‘fund parking scheme’ sa DPWH, pinasisilip

    PINAIIMBESTIGAHAN ni Senador Alan Peter Cayetano sa Development Budget Coordination Committee (DBCC) ang umano’y sindikatong nasa likod ng illegal realignment ng bilyon-bilyong pondo sa panukalang 2023 budget ng Department of Public Works and Highways (DPWH).     Ayon kay Cayetano, bilang dating Speaker ng Kamara ay nakarating sa kanyang impormasyon na mayroong grupo na nagkokontrol […]