Buwanang fuel subsidy sa mga mangingisda
- Published on May 17, 2023
- by @peoplesbalita
ISINUSULONG sa Kamara ang pagbibigay ng fuel subsidy sa mga municipal fisherfolk sa pamamagitan ng fuel voucher na hindi bababa sa P1,000 kada buwan.
Sa ilalim ng House Bill 8007 o “Pantawid Pambangka Act of 2023”, ang Department of Agriculture ay may mandating mangasiwa ng buwanang subsidy program.
Sa kabila na isa ang fishing sector na major contributor sa suplay ng pagkain sa bansa ay kabilang ito sa pinakamahirap.
Ayon sa Philippine Statistics Authority’s (PSA) Fisheries Situation Report for Major Species, ang total fisheries production ay tumaas ng 4,339.89 libong metric tons o 2.2% noong 2022 kumpara sa nakalipas na taon na 4,248.26 libong metric tons.
Lumabas din sa ulat ang pagtaas sa produksyon sa marine municipal fisheries and aquaculture, samantalang ang commercial at inland municipal fisheries ay dumanas naman ng setbacks sa nasabi ring taon.
Ayon naman sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), nakapag-contribute naman ang municipal at aquaculture sub-sectors ng 73% sa total production ng fisheries sector mula 2011 hanggang 2020.
Base sa preliminary estimates ng PSA’s 2021 poverty statistics, ang mga nasa sector ng pangingisda ay nakapagrehistro ng mataas na poverty incidence rate na 30.6%, mas mataas sa 26.2% na naitala naman noong 2018.
Kapag naipasa bilang batas, ang mga benepisaryo ng programa ay otomatikong maisasama sa sakop ng National Health Insurance program ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).
(Ara Romero)
-
Hiling ni Vhong Navarro na manatili sa NBI, ibinasura ng korte
IBINASURA ng korte ang mosyon ng aktor/TV host na si Vhong Navarro na manatili siya sa detention facility ng National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay sa kasong rape na kinaharap nito. Una nang inihain ni Atty. Alma Mallonga, abogado ni Navarro, ang isang urgent motion upang mapanatili sa kustodiya ng NBI ang aktor. […]
-
Fund raising ng Muaythai Association of the Ph, pandagdag sa budget ng national athletes
Aktibong nagpa-fund raising ang Muaythai Association of the Philippines para maidagdag na tulong sa national athletes kasunod ng pagbawas ng 50% sa budget ng mga ito. Sa interview kay Asst. Sec. Gen. Francis Amandy ng Philippine Muaythai, sinabi niyang nag o-online selling sila at online tutorial kung saan ang lahat ng kinikita ay binibigay […]
-
Ads March 14, 2023