Buwis na nakolekta sa ilalim ng sektor ng turismo umabot na sa P404-B
- Published on November 24, 2023
- by @peoplesbalita
UMABOT na sa P404 billion peso ang nakolektang revenue sa ilalim ng Kagawaran ng Turismo sa unang sampung buwan ng 2023.
Ito ay mas mataas ng 190% kumpara sa nakolektang buwis sa unang sampung buwan ng 2022 kung saan umabot lamang noon sa P138.46.
Ang mataas na koleksyon ng buwis sa sektor ng turismo ay dahil na rin sa mataas na bilang ng mga bumisita dito sa PIlipinas.
Batay kasi sa datos ng naturang ahensiya, umabot na sa 4.63 million katao ang naitalang bumisita sa bansa mula Enero hanggang nitong buwan ng Oktubre.
Ito ay katumbas na ng 96% ng kabuuang target ng ahensiya na maabot na bilang ng turista para sa buong 2023.
Batay sa datos ng pamahalaan, ang sektor ng turismo ang ikalawang economic driver ng Pilipinas para sa unang kalahating bahagi ng 2023. (Daris Jose)
-
POKWANG, nag-react sa paggamit sa kanilang mag-asawa ng isang ‘dating app’; manggagantso, planong ireklamo sa NBI
NAG-REACT si Pokwang sa paggamit sa kanilang mag-asawa ng isang dating app. At tila plano nitong ireklamo sa N.B.I. (National Bureau of Investigation) ang pangyayari. Pinost nga niya sa kanyang Instagram account ang post ng isang netizen na may pangalan sa kanyang Facebook na Marl B. Mendoza at tila miyembro o baka admin […]
-
3 laglag sa P75K droga sa Caloocan
REHAS na bakal ang kinasadlakan ng tatlong lalaki na hinihinalang sangkot sa illegal na droga matapos makuhanan ng mahigit P75,000 halaga ng shabu sa Caloocan City. Sa ulat ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, habang nagpapatrulya ang mga tauhan ng […]
-
Sindikato sa text scam, tatalupan ng PNP
TINIYAK ng Philippine National Police (PNP) na hindi magtatagal at matatalupan na nila ang grupo o sindikato na nasa likod ng naglipanang text scam sa bansa. Ang paniniyak ay ginawa ni PNP spokesperson Police Col. Jean Fajardo bilang tugon sa dumaraming reklamo ng mga text messages mula sa hindi pa natutukoy na grupo. […]