• July 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Call center agent tumalon mula sa 3rd floor ng bahay, patay

NASAWI ang 22-anyos na dalagang call center agent matapos umanong tumalon mula sa bubong ng kanilang bahay sa Navotas City, kamakalawa ng hapon.

 

 

Sa report ni police investigator PSSg Reysie Peñaranda kay Navotas police chief P/Col. Allan Umipig, dakong ala-1:45 ng hapon nang maganap ang insidente sa bahay ng biktima sa Brgy. San Rafael Village ng lungsod.

 

 

Lumabas sa imbestigasyon na habang nasa loob ng kanilang kuwarto sa ikalawang palapag ang biktima, kasama ang kanyang kapatid na menor-de-edad nang bigla na lamang nagmadaling magtungo sa ikatlong palapag ang dalaga sa hindi malaman na dahilan.

 

 

Sinundan siya ng kanyang kapatid at pagdating ng saksi sa ikatlong palapag ay nakita nalang niya ang biktima na tumalon at nahulog mula sa bubong na naging dahilan upang agad siyang humingi ng tulong sa kanilang barangay.

 

 

Kaagad na isinugod ang dalaga sa Tondo Medical Center subalit, binawiin din siya ng buhay habang nilalapatan ng lunas.

 

 

Lumagda naman sa isang waiver ang pamilya ng biktima at iginiit na hindi sila interesado para sa isasagawang autopsy sa bangkay habang nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang pulisya upang malaman ang dahilan ng pagpapatiwakal ng dalaga. (Richard Mesa)

Other News
  • Ads July 19, 2021

  • LTFRB, ‘di pinagbigyan ang hiling ng ilang transport group na dagdagan ng piso ang minimum fare

    HINDI pinagbigyan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang kahilingan ng ilang grupo ng mga tsuper at operator ng jeepney na dagdagan ng piso ang minimum fare sa mga pampublikong transportasyon.     Ito ay sa gitna pa rin ng walang humpay na pagsipa ng presyo sa produktong petrolyo sa bansa na itinuturong […]

  • Pag-IBIG members, makakukuha ng mas maraming benepisyo

    MAGANDANG balita para sa mga Pag-IBIG Fund members dahil nakatakdang I-enjoy ng mga ito ang “doubled savings at higher cash loan entitlements” habang patuloy na mayroong access sa abot-kayang home loans, sa kabila ng nakatakdang pagtataas sa monthly contribution rate kapuwa sa mga miyembro at employers nito simula sa susunod na buwan.     Sa […]