Caloocan, inilunsad ang RICE program
- Published on November 28, 2024
- by @peoplesbalita
INILUNSAD ng Pamahalaang Lungsod ng Caloocan ang programang Relief Initiatives for Community Empowerment (RICE) na target maging benepisyaryo ang lahat pamilya mula sa iba’t ibang barangay sa lungsod.
Layunin ng nasabing inisyatiba na makapagbigay ng mas pinahusay na food security measure para sa lahat ng mamamayan ng Caloocan, lalo na sa pagsisimula ng kasiyahan ng Pasko.
Iginiit ni Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan ang kanyang pangako para mabigyan ng di-kalidad na buhay ang kanyang mga nasasakupan habang nagbibigay din ng mga pagkakataon upang bigyang kapangyarihan ang mga indibidwal at komunidad na maghanapbuhay para sa kanilang sarili at sa kanilang mga pamilya.
“Wala pong patid ang pagtutok ng buong pamahalaang lungsod sa pagpapatupad ng mga programang tutugon sa pangangailangan ng ating mamamayan, lalo na po para sa mga kababayan nating lubos na nangangailangan,” ani Mayor Along.
“Isa lang po ang RICE program sa mga hakbang na ating isinasagawa upang siguruhin na bawat pamilyang Batang Kankaloo ay mayroon pagkain sa kanilang hapag, kaya naman mas pinalawak din natin ang mga proyektong pangkabuhayan at trabaho upang sila mismo ay magkaroon ng oportunidad na paunlarin ang kanilang estado sa buhay,” dagdag niya.
Tiniyak din niya na ang bawat pamilya sa lungsod ay magiging benepisyaryo ng RICE program.
“Tulad po ng nakagawian natin, lahat po ay kasama sa RICE. Wala po tayong pinipiling kulay at tinitiyak ko po na lahat ng pamilya sa Caloocan ay makakatanggap ng bigas mula sa pamahalaang lungsod,” sabi niya. (Richard Mesa)
-
Publiko, masyadong naging kampante nang ibinaba ang Alert level 1 sa maraming lugar sa bansa – NTF Against COVID-19
NAGING relax o naging kampante ang maraming Filipino magmula ng ipinatupad ang Alert level 1 sa maraming lugar ng bansa. Ito ang ipinahayag ni NTF Against COVID-19 medical adviser Dr Ted Herbosa na kung saan, naging barometro nito ang bilang ng mga dapat sana’y kuwalipikado ng magpa- booster shot subalit hindi naman ginawang […]
-
Sen. Drilon, mali ang obserbasyon sa ginagawang Marawi rehab ng TFBM
PINALAGAN ni Task Force Bangon Marawi (TFBM) Chairman at Department of Human Settlement and Urban Development Sec. Eduardo del Rosario ang naging pahayag ni Senator Franklin Drilon na kailangan umano ng additional fund para matiyak na matatapos sa 2021 ang Marawi Rehabilitation. Sinabi kasi ni Senador Drilon na “grossly inefficient” at halos nakaasa lamang […]
-
PBBM, nakipagpulong sa Bicol RDC, pinag-usapan ang dev’t challenges, initiatives
NAKIPAGPULONG si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., araw ng Biyernes sa mga miyembro ng Bicol Regional Development Council (RDC) para pag-usapan ang ‘regional development accomplishments, challenges, at ongoing initiatives.’ Sinabi ng National Economic and Development Authority in Bicol (NEDA-5) na ang miting kasama ang Pangulo at Digital Transformation Center sa bayan ng Pili town, ang […]