• January 13, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Caloocan, naglunsad ng libreng bakuna para sa mga estudyante

OPISYAL na inilunsad ng Pamahalaang Lungsod ng Caloocan, sa pamamagitan ng City Health Department (CHD) at sa pakikipagtulungan ng Schools Division Office (SDO) ang immunization program na nakabase sa Caloocan High School.

 

 

Layunin ng nasabing programa na mabakunahan ang mga mag-aaral mula grade 1, 4, at 7 para palakasin ang resistensya ng mga bata laban sa iba’t ibang nakakahawang sakit tulad ng tigdas, rubella, tetanus, diphtheria, at human papilloma virus.

 

 

Hinikayat ni Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan ang mga magulang na payagan ang kanilang mga anak na ma-inoculated at tiniyak niya sa lahat na ligtas at mabisa ang nasabing bakuna.

 

 

“Sa atin pong mga magulang, inaanyayahan ko po kayong lahat na pabakunahan na ang inyong mga anak upang matiyak nating lahat na maayos ang kalusugan ng ating mga mag-aaral at maiwasan ang pagkalat ng anumang sakit na maaaring makaapekto sa kanilang pag-aaral,” ani Mayor Along.

 

 

“Tinitiyak ko rin po na ang mga bakunang ito ay ligtas para sa mga bata at walang kakaibang side effects, batay na rin po sa paniniguro ng mga doktor at iba pang eksperto,” dagdag niya.

 

 

Kinilala rin ng alkalde ang kahinaan ng mga bata sa iba’t ibang uri ng sakit at nangakong patuloy na magpapatupad ng mga programang pangkalusugan upang matiyak na lumaki silang malusog sa lahat ng aspeto. (Richard Mesa)

Other News
  • PDu30, nagtalaga ng dalawang bagong CHEd Commissioners

    ITINALAGA ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sina Jo Mark Libre at Marita Canapi bilang mga bagong komisyonado ng Commission on Higher Education (CHEd).     Papalitan ni Libre si outgoing commissioner Perfecto Alibin habang papalitan naman ni Canapi si Lilian de las Llagas, kung saan ang termino ay nagtapos noong sa Hulyo 21, 2021.   […]

  • 212 Navoteños hired-on-the-spot sa mega job fair

    BILANG bahagi ng ika-17th cityhood anniversary celebration, nagsagawa ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng job opportunities at nagbigay ng suporta sa mga small businesses.         Ayon kay Mayor John Rey Tiangco, itinampok sa Mega Job Fair, na inorganisa ng City Public Employment Service Office (PESO), ang 50 partner companies na nag-aalok ng […]

  • Kooperasyon, susi sa pagbaba ng alert level status- Año

    ANG DE-ESCALATION o pagbaba sa alert level status sa National Capital Region (NCR) mula Alert Level 3 tungo sa Alert Level 2 simula  Pebrero 1 ay senyales na ang publiko ay sumusunod sa health protocols at iba pang guidelines para mapigilan ang Covid-19 surge.     Ang NCR ay inilagay sa ilalim ng alert Level […]