• March 23, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Camarines Norte attack ng NPA sa mga sundalo, pasok sa int’l rules of war, ipinagkibit-balikat ng Malakanyang

IPINAGKIBIT-BALIKAT lang ng Malakanyang ang iginiit ng Communist Party of the Philippines (CPP) na ‘justified’ ang pag-atake ng New People’s Army sa Camarines Norte na ikinasawi ng limang pulis noong nakaraang Biyernes.

 

“Well, depende po yan noh? hIndi ko po alam iyong circumstance ng sinasabi nila noh? pero ang kinukuwestiyon po ng marami eh bakit hanggang ngayon iyong mga CPP-NPA ay patuloy nga na pumapatay ng kapwa Filipino noh? Bakit hindi pa nila ibaba ang kanilang mga armas kahit marami na naman silang mga kasama na napakagaling sa larangan ng parliamentary struggle. Eh pupuwede namang gawin sa mapayapang pamamaraan,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

 

“Ang sinasabi lang ng Presidente, bakit kinakailangan pang makipagpatayan,” dagdag na pahayag nito.

 

Sa ulat, sa ilalim ng “international rules on the conduct of war” iginiit ng CPP nabigyang katwiran ang pag-atake ng NPA sa Camarines Norte na ikinamatay nga ng limang pulis.

 

“The NPA raid in Barangay Dumagmang, Labo, Camarines Norte was a legitimate military action consistent with international rules on the conduct of war,” ayon sa pahayag ng CPP.

 

“The target, a counter insurgency outpost of highly-trained police special action forces, was a legitimate military target,” dagdag pa sa pahayag.

 

Ang komento ng CPP ay sagot sa pagkondena ng Commission on Human Rights sa nasabing pagpatay.

 

Ipinunto pa ng CPP na ang mga nasawing pulis sa raid ay armado.

 

Ayon pa sa teroristang grupo na maayos umano nilang trinato ang tatlong pulis na sumuko sa NPA, kung saan ginamot pa umano ng medic nila ang mga nasugatang parak bago umalis.

 

“We urge the foot soldiers of the AFP and PNP who find themselves in battle with the NPA, especially a superior NPA force, to choose to surrender and submit their firearms in order to avoid the loss of lives,” ayon pa sa pahayag.

 

“The NPA assures enemy troops who surrender that no harm will befall them and that their rights under the Geneva Conventions governing the conduct of war will be respected.” (Daris Jose)

Other News
  • Zelensky, nakipag-usap kay Pope Francis tungkol sa Russia-Ukraine war

    NAKIPAG-USAP si Ukrainian President Volodymyr Zelensky kay Pope Francis via phone call hinggil sa nangyayaring digmaan ngayon sa kanilang bansa laban sa Russia.     Ibinahagi ni Zelensky sa kanyang address sa Italian Parliament na sinabi ng santo papa na naiintindihan nito ang hangad niya na kapayapaan at pakikipaglaban para sa mga sibilyan at kanyang […]

  • Pagpapalawig ng ECQ may ilang bilyong pisong epekto sa ekonomiya – ECOP

    Mayroong malaking epekto sa ekonomiya ang panibagong pagpapalawig ng isang linggong enhanced community quarantine (ECQ) sa National Capital Region at sa apat na karatig na lugar nito.     Ayon kay Employers Confederation of the Philippines (ECOP) president Sergio Ortiz-Luis Jr na bilyong piso ang magiging lugi ng mga negosyosa nasabing panibagong isang linggong ECQ. […]

  • Millennials, pinakamalungkot na henerasyon – survey

    LUMABAS sa pag-aaral na ang mga millennial ang “loneliest generation”.   Batay ito sa London-based international research data at analytics group.Lumabas sa isinagawang survey ng University of Pennsylvania sa 1,254 US adults, na 30 porsiyento ng mga millennial ang madalas na makaramdam ng kalungkutan o pakiramdam na nag-iisa kumpara sa mga “Generation X” na 20% […]