• April 21, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Campaign period, sinimulan sa proclamation rally

OPISYAL nang nagsimula ang bakbakan ng anim na indibidwal na tumatakbo sa national positions sa halalan.

 

 

Sa gitna ng pandemyang dulot ng COVID-19, kanya-kanya nang paandar sa kani-kanilang proclamation rally bilang bahagi ng opisyal na pagsisimula ng campaign period ang anim na presidentiables.

 

 

Sa katunayan, sa unang araw ng pangangampanya, kanya-kanyang pasabog sa kani-kanilang mga naglalakihang proclamation rally ang mga presidential candidate.

 

 

Una na rito ay ang Philippine Arena sa Bulacan kung saan nag-proclamation rally sina presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. — na nangunguna sa mga voter survey — at runningmate na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

 

 

Sinasabing, limitado lang sa 25,000 ang papapasukin sa event o kalahati lang ng kapasidad ng venue. Dapat ay fully vaccinated, may ticket at negatibong antigen test result ang mga dumalo

 

 

Sinabi ni dating senador Marcos Jr., magiging sentro ng kanilang pangangampanya ang pagkakaisa.

 

 

Sa nasabing ng proclamation rally ay opisyal na ipinakilala ang 11 senatorial ticket ng “UniTeam” tandem.

 

 

Tiniyak naman ng kampo ni Marcos Jr. na sa mga debate na sponsored ng Commission on Elections sisipot ang kanilang kandidato, na ilang beses nang hindi dumalo sa ibang presidential interview at forum.

 

 

Sa kabilang dako, sa Camarines Sur naman idinaos nina presidential candidate Vice President Leni Robredo at running-mate na si Sen. Francis “Kiko” Pangilinan, kasama ang ilang ineendorso nila sa pagkasenador ang kanilang proclamation rally.

 

 

Kapansin-pansin naman na tila “stop and go” ang diskarte ng grupo kung saan isa-isang dumadating ang mga kandidato para magsalita sa publiko.

 

 

TInawag naman ni Robredo na People’s campaign ang kanyang kampanya dahil halos ang mga supporter ang nag-oorganisa ng mga lakad.

 

 

Nagdaos din ng caravan sa labas ng Camarines Sur ang mga tagasuporta ni Robredo.

 

 

Ang Simbahan ng Sto. Niño sa Tondo, Maynila ang una namang pinuntahan ng Aksyon Demokratiko standard bearer na si Isko Moreno kasama ang mga kapartidong sina Samira Gutoc, Carl Balita at Atty. Jopet Sison – kung saan ipinagdasal niya ang katapusan ng pandemya.

 

 

Makaraan nito ay binagtas niya ang pa-Divisoria at sa mga kalye ng Tondo na dinagsa ng maraming tao, bagay na ikinagulat niya.

 

 

“Nagulat ako. Siyempre as I have promised you we wanted to have a very modest way of doing it. But ah, wala, di mo mapigilan ang tao. I’m very grateful at nakapa-heartwarming, ‘yung parang… di ko maipaliwanag eh,” ayon kay Moreno, na kilala bilang batang Tondo.

 

 

Hindi naman nagpaiwan si Partido Reporma presidential candidate Panfilo “Ping” Lacson sa pagsisimula ng campaign period dahil mismong sa kanyang bayang sinilangan sa Imus, Cavite naman inilunsad ng kanyang runningmate na si Senate President Vicente “Tito” Sotto III ang pangangampanya.

 

 

Puntirya ng naturang tambalan na kumonsulta sa mamamayan para alamin at pag-usapan ang mga isyu, sa halip na mag-motorcade na dahilan pa ng traffic.

 

 

Gaya ng inaasahan, nagsimula naman ang kampanya ni Sen. Manny Pacquiao sa General Santos City kung saan siya ipinanganak.

 

 

Nagkaroon naman ng ilang pagbabago sa pangangampanya ni Pacquiao matapos ang ilang buwang pag-iikot. Hindi na makikitang naghahagis si Pacquiao ng mga P1,000 bill.

 

 

Tinatayang nasa 580 sasakyan ang lumahok sa caravan ni Pacquiao, ayon sa kanyang kampo. Nanggaling ang mga ito sa South Cotabato, Maguindanao, at iba pang parte ng Mindanao.

 

 

Nagkaroon naman ng kaunting aberya ang proclamation rally ni Ka Leody De Guzman matapos ianunsiyo ng Comelec na wala siyang permit para sa proclamation rally.

 

 

Alinsunod sa resolusyon ng Comelec, kinakailangang kumuha ng permit mula sa campaign committee ang sino mang magdadaos ng election campaign 72 oras bago ang aktibidad.

 

 

Ayon kay De Guzman na hindi pa niya alam kung nakakuha ng permit ang kaniyang partido. Gayunman, itinuloy ni De Guzman ang motorcade pa-Bantayog ng mga Bayani, kung saan magsasalita si De Guzman bandang alas-8 ng gabi ngayong Martes.  (Daris Jose)

Other News
  • Josh Hutcherson Tackles Darkness and Animatronic Terror in “Five Nights at Freddy’s”

    Josh Hutcherson tackles darkness and animatronic terror in “Five Nights at Freddy’s.” Dive deep into the suspense, with a touch of Jim Henson magic, hitting cinemas November 1. FROM the global box-office hit “Hunger Games,” Josh Hutcherson stars in Five Nights at Freddy’s, a thrilling survival movie as he takes on the role of Mike, an […]

  • VP, mga dating presidente, tinanggal ni PBBM sa reorganisasyon ng NSC

    TINANGGAL ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa ginawa nitong reorganisasyon ng National Security Council (NSC) ang bise presidente at mga dating pangulo ng bansa bilang miyembro nito. Sa pagtinta ng Pangulo sa Executive Order No. 81, winika ng Chief Executive kinakailangang gawin ang nasabing pagbabago upang matiyak na mananatiling matatag ang NSC bilang isang national […]

  • Pasig City Mayor Vico Sotto nagpositibo sa COVID-19

    HINDI rin nakaligtas si Pasig City Mayor Vico Sotto sa banta na hatid ng COVID-19.     Sa kanyang social media posts ay ibinahagi ng alkalde ang kanyang malungkot na balita nang magpositibo ito sa nasabing virus at kasalukuyang nakararanas ng lagnat, pangangati ng lalamunan, at pananakit ng katawan.     Ikinuwento pa niya na […]