Canelo Alvarez at Caleb Plant promo tour, nauwi sa suntukan
- Published on September 24, 2021
- by @peoplesbalita
Muntik mauwi sa todong labu labo ng suntukan ang dalawang mahigpit na magkaribal na sina super middleweight champion Canelo Alvarez at Caleb Plant habang nagsasagawa ng promotional tour ng kanilang laban sa Beverly Hills, California.
Una rito nag-face off ang dalawa at nagkadikitan ang mukha habang nagpapalitan ng maanghang na salita at nagpormahan.
Sinabi raw kasi ni Caleb na mandaraya noon sa droga si Alvarez.
Dito, hindi nagustuhan ni Canelo ang bastos daw na salita ni Plant kaya bigla niya itong itinulak.
Sumugod na bigla si Caleb at nagpakawala ng left cross na nailagan naman ni Alvarez.
Akma namang magkaroon na ng riot, hanggang awatin ng kanilang mga staff ang dalawang magkalabang boksingero.
Si Canelo (56-1-2, 38 KOs) ay kampeon sa WBC, WBO, WBA at Ring Magazine champion Alvarez habang si Caleb (21-0, 12 KOs) ay wala pang talo ng siyang ay IBF champion.
Aayat ng ring ang dalawa sa November 6 sa MGM Grand sa Las Vegas.
-
Rekomendasyon ng pribadong sektor na tiyakin ang food security, isinumite na kay PBBM
NAKIPAGPULONG si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Private Sector Advisory Council (PSAC), araw ng Biyernes para talakayin ang rekomendasyon na naglalayong itaas ang local food production at suplay. Nakasaad sa kalatas na ipinalabas ng Office of the President (OP) na kabilang dito ang “digital farming methods and strategies” para mapahusay ang supply chain. […]
-
GAME CREATORS REACT TO MOVIE VERSION OF “MONSTER HUNTER”
IN bringing Monster Hunter from game consoles to the big screen, writer-director Paul W.S. Anderson sat down multiple times with the game creators Ryozo Tsujimoto and Kaname Fujioka to dial in the look of the monsters. In a recently released video, the creators share their excitement upon seeing how Ander- son remained faithful to […]
-
Commission on Human Rights, sinimulan na ang imbestigasyon sa pangho-hostage kay ex-Sen. De Lima at pagkamatay ng mga suspek
SINIMULAN na raw ng Commission on Human Rights (CHR) ang kanilang motu proprio investigation sa insidenteng naging daan para sa i-hostage si dating Senator Leila de Lima na kasalukuyang nakapiit sa PNP-Custodial Center sa Camp Crame. Kasama rin sa mga iniimbestigahan ang pagkamatay ng tatlong persons under police custody (PUPCs) na mga hostage-takers […]