Caperal ipinagmalaki nina Caguioa, Devance
- Published on January 20, 2021
- by @peoplesbalita
HINDI naitago nina Mark Anthony Caguioa at Joe Calvin Devance ang pagsaludo kay Prince Renmer Caperal.
Ito’y nang anihin nang huli ang kanyang ang kanyang pagtitiyaga sa pangatlong taon sa Barangay Ginebra San Miguel, nang tanghaling Most Improved Player ng pandemic-shortened 45th Philippine Basketball Association (PBA) 2020 Philippine Cup sa Virtual Special Awards Night nitong Linggo.
Inalpasan ng Gin Kings big man sa karangalan ang frontliner ng Phoenix Super LPG na si Justin Chua sa nilikom na 2,447 votes (303 stats, 144 media, 2000 Commissioner’s Office) laban sa 2,096 ng Fuel Master na runaway winner sa media votes (2000), mula sa players ang kabuuan.
Dinaig din ng 27-anyos at may taas na 6-7 player ng Gin Kings sa MIP ang teammate ni Chua na si Jason Perkins at sina Raul Soyud bg North Luzon Expressway, Reynel Hugnatan ng Meralco at Javee Mocon ng Rain or Shine.
Naging ikatlong may dugong Never Say Die si Caperal na MIP awardee sa pagsunod kina Dante Gonzalgo (1989) at Reynaldo Cuenco (199) nang Anejo Rum 65ers pa ang dala ng crowd favorite professional team.
“So proud of this guy. Congrats Prince you really deserve it,” shoutout sa Twitter ni Caguioa. “Keep working hard.”
“I’m really proud of my boy @caperalprince ! It is your time to play big for this Ginebra team brotha!” hirit naman ng isa pang beterano ni coach Earl Timothy Cone na si Devance.
Support cast lang noon si Caperal pero nang maglaho noong Enero 2020 si Gregory William Slaughter, siya ang naging pambara ng alak sa paint.
May average si Caperal na 9.64 points, 4.0 rebounds at 1.0 assist sa Pampanga bubble noong Oktubre-Disyembre. Grabe iniangat buhat sa 1.2 markers at 1.5 boards per game lang 44th season 2019-20.
Congrats, Prince keep it up! (REC)
-
Mga magwo -walk in sa National Vaccination day, hindi dapat na tanggihan – National Vaccination Operation Center
HINDI kailangang tanggihan ang mga walk-ins para sa tatlong araw na National Vaccination Day na nakatakda sa November 29, 30 at December 1. Ito ang inihayag ni Dr Kezia Rosario ng National Vaccination Operation Center lalo’t maituturing na “big day” ang nakatakdang kaganapan na naglalayong lalo pang mapataas ang mga bakunadong Pilipino. Sinabi […]
-
Sotto swak pa rin para sa Gilas ‘Pinas training pool
IPINAHAYAG ng Samahang Basketbol ng Pilipinas Inc. (SBPI) na kabilang pa rin para sa Gilas Pilipinas training pool si National Basketball Association (NBA) prospect Kai Zachary Sotto. “He’s part of the list so we just have to talk to him, reach out to him again, we haven’t finalized our calendar yet, but once […]
-
‘Pinas mag-aangkat ng 25,000 MT isda mula dayuhan hanggang Enero 2023
KAHIT arkipelago ang Pilipinas at napapalibutan ng mga dagat, nakatakda na naman itong mag-angkat ng sanlaksang mga isda galing sa ibang bansa dahil sa ipatutupad na “closed fishing season.” Ito ang sinabi ng special order 1002 na nilagdaan ni Department of Agriculture Senior Undersecretary Domingo Panganiban nitong Huwebes. “Dismayado kami na […]