Caperal sa Barangay Ginebra San Miguel nagkapangalan
- Published on January 15, 2021
- by @peoplesbalita
MUKHANG magwawakas na ang professional basketball career ni Prince Caperal noong 2017.
Kulelat na siya sa Terrafirma Dyip (dating Columbian Dyip), pinakawalan na siya at naging free agent. Wala ng nagkainteres sa kanyang Philippine Basketball Association (PBA) teams.
Nasilip siya ni Barangay Ginebra San Miguel team governor/team manager Alfrancis Chua ang 6-foot-7 big man sa listahan ng free agency.
Lumayas si 7-footer Gregory William Slaughter noong Enero 2020, nagka-hamstring injury pa si Japeth Paul Aguilar kaya naghanap ng bak-ap ang Gin Kings na malaki.
“When I saw Caperal who was a free agent then, tinanong ko si Tim (BGSM coach Earl Timothy Cone), ‘Baka gusto mo ito, tingnan natin,’” kuwento kamakalawa Chua, na siya ring sports director sa San Miguel Corporation.
Tinapik nga ng Ginebra si Caperal, unti-unting gumaling sa ilalim ni Cone.
Sa pagkawala ni Slaughter, nababad si Caperal sa at natulungan ang alak na maghari sa 45th PBA 2020 Philippine Cup sa Pampanga bubble nitong Disyembre at pinapurihan ni ang 27-anyos na basketbolista. (REC)
-
Tricycle driver patay, barangay tanod sugatan sa pamamaril sa Malabon
TODAS ang isang 42-anyos na tricycle driver matapos pagbabarilin ng hindi kilalang gunman habang malubha namang nasugatan ang isang barangay tanod na nakasaksi sa insidente nang barilin din ng isa sa mga suspek sa Malabon city, Linggo ng gabi. Ayon kay Malabon police chief P/Col. Joel Villanueva, dead on the spot si Ruben […]
-
House Bill House 5914 o “Firecrackers Prohibition Act,” isinusulong
SA HANGARING mabawasan o mapigilan na ang anumang “firecracker-related injuries,” nais ng isang mambabatas ang tuluyang pagbabawal o total ban sa bentahan, distribusyon at paggamit ng mga “firecracker” o paputok at iba pang pyrotechnic devices. Sa House Bill House 5914 o “Firecrackers Prohibition Act,” isinusulong ni House Committee on Local Government Chairman at […]
-
Cardinal Tagle, nagmisa na muli matapos gumaling sa COVID: ‘Let’s be appreciative’
HINIKAYAT ni Cardinal Luis Antonio Tagle ang mga Pilipino na huwag sayangin ang pagmamahal at mga regalo ng Diyos sa kabila ng patuloy na pakikipaglaban ng bansa sa COVID (Coronavirus Disease) pandemic. Pahayag ito ng 63-anyos na kardinal sa kanyang unang pagsasagawa ng misa, halos dalawang linggo matapos makuha ang negative result sa COVID-19. […]