• April 20, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Car seats para sa mga bata ipapatupad

Sinimulan kahapon ng Land Transportation Office (LTO) ang pagpapatupad ng restraining car seats para sa mga batang may edad 12 pababa sa mga pribadong sasakyan sa ilalim ng Republic Act 11229 o ang tinatawag na Child Safety in Motor Vehicles Act.

 

 

Sa ilalim ng Child Car Seat Law na nilagdaan ni President Duterte noong February ng nakaraang taon, ang mga batang may edad 12 pababa ay kinakailangan gumamit o maglagay ng restraint systems upang payagan na umupo sa unahan at likuran ng sasakyan at kung sila ay may taas naman na 4’11’’ ay maaari rin silang umupo sa unahan ganon din sa likuran ng walang car seat subalit sila ay kinakailangan ng gumamit ng regular na seat belt.

 

 

Ang batas ay nagpapataw ng multang P1,000 para sa unang offense at P2,000 sa ikalawang offense hanggang P5,000 naman para sa ikatlong offense at isang (1) taon na pagsuspendi ng driver’s license depende sa ginawang offense.

 

 

Sa ngayon ay wala munang apprehensions sa mga motorista na lalabag sa batas dahil magkakaron muna ng malawakan na information campaign.

 

 

“Apprehensions will be deferred as the information campaign regarding the law is still ongoing. We will be on the warning mode,” ayon kay LTO NCR director Clarence Guinto.

 

 

Ayon kay Guinto, mapanganib sa mga bata na ilagay sila sa booster seat kung sila ay mataas ang sukat kumpara sa average height ng kanilang edad sapagkat maaaring mauntog sila sa ceiling ng sasakyan.

 

 

“Manufactueres, distributers, importers, retailers and sellers of substandard or expired child car seats and any forgery of certification stickers would be fined P50,000 up to P100,000 for every seat sold,” dagday ni Guinto.

 

 

Nagsimula ng magsagawa ng training ang mga tauhan ng LTO para sa pagpapatupad ng nasabaing batas na kasama ang mga pribadong motor vehicles.

 

 

Sinabi pa rin ni Guinto na magbibigay sila ng administrative order na magbabawal na maglagay ng madilim na car tints na makakasagal sa pagpapatupad ng nasabing batas.

 

 

Samantala, hindi naman ayon ang ibang motorista sa paglalagay ng car seats sa sasakyan dahil sinabi nila na kung may 2 0 3 anak sila na bata pa ay tiyak na hindi magkakasya ang lahat ng pasahero sa sasakyan dahil magiging masikip na.

 

 

Mula sa datus na binigya ng LTO, mayron ng 12,487 na deaths ang naitala noong 2018 dahil lamang sa road accidents. (LASACMAR)

Other News
  • 30th FIBA Asia Cup 2021 qualifier 3rd window tagilid

    NAMEMELIGRONG mapagpaliban ang 30th International Basketball Federation (FIBA) Asia Cup Men’s Basketball Championship 2021 qualifier third window sa Angeles University Foundation Sports Arena and Cultural Center at sa Clark Freeport sa Angeles City, Pampanga sa Pebrero 15-23.   Ito ay bunsod sa natuklasang mabilis na nakakahawang bagong variant ng Coronavirus Disease 2019 o COVID-19 na […]

  • Kumpanyang sangkot sa oil spill, dapat magbigay din ng ayuda

    HINIMOK  ni ACT-CIS Cong. Edvic Yap ang kumpanya ng lumubog na MT Princess Empress na magbigay din ng ayuda sa mga naapektuhan ng oil spill sa Mindoro.     Ayon kay Cong. Yap, “napapansin ko na pawang gobyerno lang ang nagbibigay ng ayuda sa mga biktima ng oil spill at walang pakunswelo man lang ang […]

  • China aircraft carrier, nagsagawa ng drills sa Philippine Sea

    NAGSAGAWA ang Liaoning aircraft carrier ng high-intensity drills sa Philippine Sea ngayong buwan habang hinahasa naman ng PLA navy ang skills nito.     Sinabi ng Military analysts na ang exercise ay makapagbibigay ng reference point para sa training at operations kapag ang bansa ay nakakuha ng mas advanced carriers     “Ongoing drills involving […]