Carlos Yulo nasungkit ang world championship gold medal sa vault
- Published on October 26, 2021
- by @peoplesbalita
Nasungkit ni Carlos Yulo ang kanyang kauna-unahang gintong medalya matapos na namayagpag sa men’s vault event sa 2021 FIG Artistic Gymnastics World Championships sa Kitakyushu City Gymnasium sa Japan ngayong araw.
Nagtapos ang 21-anyos ng average na 14.916 na pinalakas pa ng kanyang 15.033 score sa second vault matapos na makapagtala ng 14.800 sa kanyang unang attempt.
Ang pambato ng Japan na si Yonekura Hidenobu ang nakakuha ng silver medal sa score na 14.866 habang bronze naman ang nasungkit ng pambato ng Israel na su Andrey Medvedev na may score na 14.649.
Inaasahang bibigyan si Yulo ng cash incentives ng Philippine Sports Commission (PSC) dahil sa kanyang nakamit na karangalan para sa bansa.
Ito ang ikalawang world title ni Yulo matapos magkampeon sa floor exercise ng 2019 edition sa Stuttgart, Germany kung saan niya nakuha ang tiket para sa Tokyo Olympics.
Si Yulo ang ikaapat na atletang nagbigay ng karangalan sa bansa ngayong taon matapos sina Tokyo Olympics weightlifting gold medalist Hidilyn Diaz, U.S. Women’s Open golf champion Yuka Saso at US Open billiards king Carlos Biado.
Hindi naman siya pinalad sa finals ng parallel bars nang makuntento sa silver medal sa kanyang total score na 15.300 mula sa 8.900 sa execution at 6.400 sa difficulty.
Ang gold ay ibinulsa ni Chinese Hu Xuwie (15.466) habang ang kanyang kababayang si Shi Cong (15.066) ang sumikwat sa bronze.
-
DTI, ipapanukala ang pagtanggal sa plastic dividers sa mga establisimyento
NAKATAKDANG ipanukala ng Department of Trade and Industry (DTI) ang pagtanggal sa mga plastic covers o barriers sa loob ng mga establisimyento bilang bahagi ng COVID-19 protocols ng mga negosyante na kailangang sundin ng mga ito. “Isa pang kino-consider na pagtanggal, whether mag-move tayo sa Alert Level 1 o hindi, ay ‘yung mga […]
-
PDu30, humingi ng paumanhin sa publiko
HUMINGI ng paumanhin si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa publiko sa kanyang naunang desisyon na payagan ang e-sabong operations sa kabila ng mga ulat na lumulubog sa utang ang mga mananaya at dahilan ng pagdukot sa mga sabungero. Gaya ng kanyang mga nasabi sa mga nauna niyang talumpati, tinukoy ni Pangulong Duterte ang […]
-
PBBM, ipinag-utos ang mabilis na rehabilitasyon ng Marawi
IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Office of the Presidential Adviser for Marawi Rehabilitation (OPAMR) na i- fast-track ang rehabilitation efforts nito partikular na sa ‘kuryente, tubig at pabahay’ sa Marawi City. Sa sectoral meeting sa Palasyo ng Malakanyang, sinabi ni Pangulong Marcos na dapat na makahanap ng maayos na paraan ang […]