Carly abala sa gym
- Published on October 26, 2020
- by @peoplesbalita
KAHIT hindi pa nagbabalik ang Philippine SuperLiga (PSL) women’s indoor volleyball dahil sa pitong buwang Covid-19, todo pakondisyon niya si Carlota ‘Carly’ Hernandez ng Marinerang Pilipina Lady Skippers.
Pinaskil sa Instagram story nitong isang araw, ang kondisyong porma at hubog ng katawan ng 21-anyos, 5-5 ang taas na dalagang taga-Sta. Rosa, Laguna sa isang hindi lang sinabing pangalan at lugar ng gym.
May gym equipments ginagamit ng former University Athletic Associoation of the Philippines (UAAP) buhat sa FEU Lady Tamaraws para mapanatili ang kaseksihan. Katulad ng ilang atleta, tutok din si Hernandez sa kanyang pagwo-workout para sakaling magbalik na ang liga’y hindi na mahihirapang maghabol sa kanyang wastong porma. (REC)
-
Baseball, basketball sa PSA Forum
PAG-UUSAPAN ang baseball at basketball sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum ngayong umaga sa conference hall ng Rizal Memorial Sports Complex. Tatalakayin ang paglahok ng Philippine baseball team sa XIV East Asia Baseball Cup at ang darating na East Asia Super League Home and Away Season 2 sa pang alas-10:30 ng umagang public […]
-
Dagdag na bus at bus stops sa EDSA busway, balak ng DOTr
PLANO ng Department of Transportation (DOTr) na makapagdagdag pa ng mas maraming bus at makapagbukas ng mas marami pang bus stops para sa EDSA Busway. Bunsod na rin anila ito nang nakatakda nang pagbubukas ng klase sa Lunes, Agosto 22, at pagbabalik na rin ng face-to-face classes sa bansa. Ayon kay […]
-
SC nagbigay na abiso para sa online Bar applications
NAG-ABISO ngayon ang Supreme Court (SC) sa mga nagnanais na kumuha ng Bar examinations ngayong taon na naglabas na sila ng ” frequently asked questions,” contact number ng help desk at viber channel mula sa Office of the Bar Confidant. Inilabas ng SC ang link online na pupuntahan ng mga bar applicants kung paano […]