CARMINA at ZOREN, pinag-iingat ang anak na si Cassy pagdating sa lovelife
- Published on March 2, 2021
- by @peoplesbalita
PAGDATING sa usapang lovelife, pinag-iingat nila Carmina Villarroel at Zoren Legaspi ang kanilang dalagang si Cassy Legaspi.
Nasa edad na raw si Cassy para tumanggap ng mga manliligaw, pero lagi raw iniisip nito ang advise ng kanyang parents na huwag magmadali pagdating sa love. Huwag daw siyang agad ma-fall sa manliligaw niya.
“‘Yung number one, don’t rush into love kasi it will come. Love will come, just mag-relax-relax ka lang. And if you do fall in love, protect your heart,” sey ni Cassy.
Si Zoren daw ang strict pagdating sa ganyang usapan.
“Yung dad ko naman super strict naman siya sa love life ko. Hanggang ngayon siya naman, ‘take your time. Don’t rush, pero ngayon focus sa sarili mo lang. Love will come to you. If it’s meant to be, it’s meant to be’,” sey ni Cassy na lalabas na sa unang teleserye na First Yaya sa GMA-7.
***
SIMULA nang umere ang fresh episodes ng high-rating GMA Afternoon Prime series na Magkaagaw, marami ang pumupuri sa mahusay na pag-arte ni Klea Pineda.
Makikita sa YouTube channel ng GMA Network na punong-puno ng mga positibong komento ang mga eksena ni Klea bilang Clarisse Santos-Almonte sa serye simula nang malaman n’ya na niloloko siya ng kanyang asawa na si Jio (Jeric Gonzales) at ng boss niya na si Veron Santos (Sheryl Cruz).
Komento ng isang netizen, “Super galing ni Clarisse… 100%. I will vote for Best Actress for this girl. So real to act.”
Ani naman ng isa, “This girl nailed it! We all feel the pain and tears of Clarisse. Our hearts are full of her pain and our eyes are full of tears.”
Dagdag pa isang fan, “Grabe ang husay ni Klea. Parang married na siya sa tunay na buhay… Damang dama bawat linya.”
Patuloy na abangan ang painit nang painit na mga eksena sa Magkaagaw, mula Lunes hanggang Sabado, sa GMA Afternoon Prime!
***
ISANG Lav Diaz film ang magiging comeback movie ni John Lloyd Cruz pagkatapos ng tatlong taong pamamahinga sa showbiz.
May titulong Servando Magdamag ang pelikula ni JLC at kasalukuyang nasa location na sila sa Sorsogon.
Pinag-quarantine nga raw muna si JLC pati na ang kasama sa cast at crew ng pelikula dahil gustong makasigurado ng local government ng Sorsogon na walang positive sa COVID-19 sa grupo nila.
Maingat ang mga taga-Sorsogon sa pagpapapasok ng mga tao sa kanilang probinsys dahil nagtala lang daw sila ng 20 positive COVID-19 cases since last year. At yung 20 raw na iyon ay hindi pa mga taga-Sorsogon.
Anyway, ito ang ikatlong pelikula ni JLC with Direk Lav. Magkatrabaho na sila sa Hele Sa Hiwagang Hapis at Ang Babaeng Humayo noong 2016.
Balitang walong oras ang itatakbo ng Servando Magdamag tulad ng ibang mga pelikula ni Direk Lav.
Mas mae-excite daw ang fans ni JLC kung isang romantic-comedy ang gagawin nito tulad ng mga ginawa niya with Bea Alonzo and Sarah Geronimo. Kung art film daw na 8 hours ang haba, wala raw makakatiyaga rito sa panahon ngayon. (RUEL J. MENDOZA)
-
Miami Heat nakuha ang Game 1 sa pagsisimula ng NBA semifinals vs Phildelphia Sixers
NAKUHA ng Miami Heat ang unang panalo sa Game 1 matapos na itumba ang Philadelphia Sixers sa score na 106-92 sa simula ng Eastern Conference semifinal series. Nanguna sa diskarte ng Miami si Tyler Herro na kumamada ng 25 points at si Bam Adebayo na nagtala ng 24 points at 12 rebounds. […]
-
9K pulis ikakalat sa 1,106 checkpoints sa ‘NCR Plus’
Magpapakalat pa ng karagdagang 9,356 pulis ang Philippine National Police sa mga quarantine control checkpoints na sakop ng NCR Plus bubbles. Sa ginanap na press conference, sinabi ni Joint Task Force COVID Shield Commander Police Lt. Gen. Cesar Binag, paparahin sa 1,106 checkpoints sa NCR, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal ang mga motorista […]
-
DTI naglabas ng mga kautusan para sa mga energy consuming products
NAGLABAS ang Department of Trade and Industry (DTI) ng isan department order na nagbibigay ng bagong technical regulation na nagrereseta sa mga mandatory product certification ng mga energy consuming products (ECPs) sa pamamagitan ng Bureau of Philippine Standards (BPS). Sa isang statement ay sinabi ni DTI Consumer Protection Group (CPG) Undersecretary Ruth Castelo […]