Cash incentive para sa olympic gold medalist
- Published on July 15, 2021
- by @peoplesbalita
Bukod sa MVP Sports Foundation ni Manny V. Pangilinan ay nangako rin si Ramon Ang ng San Miguel Corporation (SMC) na bibigyan ng cash incentives ang mga atletang mag-uuwi ng medalya mula sa Tokyo Olympic Games.
Magbibigay ang SMC ng bonus na P10 milyon para sa kukuha sa kauna-unahang Olympic gold medal ng bansa habang P5 milyon at P2 milyon naman ang para sa silver at bronze, ayon sa pagkakasunod.
“I officially announce na nagpapasalamat din ako kay Mr. Ramon Ang ng San Miguel na nag-commit na rin ng same amount as MVP group,” wika kahapon ni Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham ‘Bambol’ Tolentino sa online edition ng Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum.
Nauna nang nangako si Pangilinan ng P10 milyon para sa Olympic gold, P5 milyon para sa silver at P2 milyon para sa bronze.
Hindi pa kasama rito ang parehong cash incentives na nakasaad sa Republic Act 10699 o Expanded Athletes Incentives Act.
Nangangahulugan na kabuuang cash incentives na P30 milyon ang matatanggap ng atletang kokolekta sa Olympic gold, P15 milyon sa silver at P6 milyon para sa bronze.
Maliban pa ito sa inaasahang bonus na ibibigay ni Pangulong Rodrigo Duterte, ayon kay Philippine Sports Commission (PSC) chairman William ‘Butch’ Ramirez.
Kabuuang 19 national athletes ang kakampanya sa Tokyo Olympics na nakatakda sa Hulyo 23 hanggang Agosto 8.
Nangangahulugan na kabuuang cash incentives na P30 milyon ang matatanggap ng atletang kokolekta sa Olympic gold, P15 milyon sa silver at P6 milyon para sa bronze.
Maliban pa ito sa inaasahang bonus na ibibigay ni Pangulong Rodrigo Duterte, ayon kay Philippine Sports Commission (PSC) chairman William ‘Butch’ Ramirez.
Kabuuang 19 national athletes ang kakampanya sa Tokyo Olympics na nakatakda sa Hulyo 23 hanggang Agosto 8.
-
MILYON NA PASAHERO, NAKASAKAY NA NG MRT 3
NAKAPAGSAKAY na ng 1,934,424 milyong pasahero ang Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) sa unang linggo ng isang buwang libreng sakay na nagsimula noong Marso 28,2022, ayon sa pamunuan ng tren. Sinabi ni Michael Capati, officer-in-charge ng MRT-3 at director for operations, na ang pinakamataas na ridership ay naitala noong Abril 1 kung […]
-
“The School for Good and Evil” Arrives Soon on Netflix
“The School for Good and Evil” starring Charlize Theron, Kerry Washington, Michelle Yeoh, and Laurence Fishburne arrives on Netflix October 21. About THE SCHOOL FOR GOOD AND EVIL: In the village of Gavaldon, two misfits and best friends, Sophie (Sophia Anne Caruso) and Agatha (Sofia Wylie), share the unlikeliest of bonds. Sophie, […]
-
‘Pambansang Best Friend’, nami-miss na ang pag-arte: SHEENA, protective mother at gagawin ang lahat para ‘di magka-virus ang anak
NAG-THROWBACK sa kanyang social media account si Sheena Halili dahil nami-miss na raw niya ang umarte. Ngayon kasi ay mas naka-focus siya sa pagiging mommy sa 1-year old daughter niya. “Miss ko na rin ang pag-aartista! Ngayon din naman nag-aartista ako sa harap ng anak ko! Minsan dog ako, minsan cat, […]