Cash incentives naibigay na ng SMC sa mga Olympic medalists boxers
- Published on November 9, 2021
- by @peoplesbalita
Personal na iginawad ni San Miguel Corporation (SMC) president Ramon Ang ang mga cash incentives sa mga Tokyo Olympic medalist boxers na sina Eumir Marcial, Carlo Paalam at Nesthy Petecio.
Nakatanggap ng P2 milyon si bronze medalist boxer Marcial habang tig-P5 milyon naman sina silver medalist Carlo Paalam at Petecio.
Nangako rin si Ang na bibigyan ang tatlong boksingero ng negosyo na kanilang kagustuhan mula sa SMC na itatayo sa kanilang probinsiya.
Mula sa Zamboanga City kasi si Marcial habang sa Cagayan de Oro si Paalam at Davao del Sur naman si Petecio.
Magugunitang nauna ng binigyan ng P10 milyon bilang incentive mula sa SMC si weightlifter Hidilyn Diaz na nakakuha ng gold medal sa Tokyo Olympics.
-
Construction ng Quezon Memorial Circle station ng MRT 7, pinahinto ni Mayor Belmonte
PINAHINTO ni Mayor Joy Belmonte ng Quezon ang above-ground construction ng Quezon Memorial Circle station sa ginagawang Metro Rail Transit Line7 (MRT7). Pinatigil niya ang construction matapos ang mga environmentalists at historians ay nakita na ang itatayong station ay makasisira sa integridad ng nasabing park. “The project revealed that the proposed floor area […]
-
‘Di tatanggi si Julia sakaling mag-propose na siya: GERALD, pinag-iisipan at pinaghahandaan na ang pagpapakasal
THROUGH her Facebook and IG accounts ay nagpasalamat si Megastar Sharon Cuneta sa mga nanood ng Iconic concert nila ni Asia’s Songbird Regine Velasquez. Tama ang sinasabi ng mga nakapanood ng repeat ng Iconic na mas maganda ito compared sa napanood nila three years ago. Mas maganda ang repertoire at may mga bagong […]
-
Ads April 22, 2022