Cashless toll sa expressways balik na sa Marso 15
- Published on February 18, 2025
- by @peoplesbalita
SIMULA sa Marso 15, balik na sa cashless o contactless toll collection sa mga pangunahing toll expressway, ayon sa Toll Regulatory Board (TRB) nitong Sabado.
Paalala ng TRB, ang lahat ng mga motorista ay kinakailangang magkaroon ng valid Electronic Toll Collection (ETC) device o radio frequency identification (RFID) stickers sa kanilang mga sasakyan.
Ang mga motoristang walang ETC o RFID sticker ay papayagan pa ring makapasok sa mga toll plaza subalit kailangan na silang magpalagay ng tag.
Gayunpaman, ang mga walang ETC o RFID ay iisyuhan ng deputized personnel ng Land Transportation Office (LTO) ng Temporary Operator’s Permit o Show Cause Order dahil sa paglabag sa “No Valid ETC Device, No Entry” Policy sa ilalim ng Joint Memorandum Circular No. ng Department of Transportation, LTO, at TRB.
Pagmumultahin din ang mga motorista na walang valid RFID at sa may RFID subalit ‘insufficient load balance”.
Paliwanag ng TRB, ang cash lanes ay kadalasang nagdudulot ng paghaba ng linya at pagbagal ng daloy ng trapiko patungo sa kanilang ETC designated lanes.
Unang ipinatupad noong Disyembre 2020 ang cashless collection ngunit ito ay nasuspinde dahil sa ilang mga isyu sa operasyon.
Samantala, nagpahayag naman ng suporta ang San Miguel Infrastructure, Metro Pacific Tollways Corp. (MPTC), MCX Tollway Inc., Bases Conversion and Development Authority (BCDA), Philippine Reclamation Authority (PRA) at subsidiary PEA Tollway Corp.
(PEATC) sa inisyatibong ito ng TRB.
Ang MPTC ang may hawak ng North Luzon Expressway (NLEX), Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX), Manila-Cavite Toll Expressway (CAVITEX), Cavite-Laguna Expressway (CALAX), Cebu-Cordova Link Expressway (CCLEX), at NLEX Connector.
Ang SMC Infrastructure sa pamamagitan ng SMC ang nagpapatakbo naman ng South Luzon Expressway (SLEX), Skyway Stage 3, Southern Tagalog Arterial Road (STAR), NAIA Expressway, at ng Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway (TPLEX).
Ang MCX Tollway Inc., naman ang nag-oopereyt ng Muntinlupa-Cavite Expressway.
Batay sa pinakabagong data mula sa TRB, na 97% ng mga user ng expressway ay gumagamit na ng ETC/RFID sticker para sa pagbabayad ng toll.
-
Arrest warrant vs Quiboloy, pirmado na ng House
NAKATAKDA nang isilbi ngayong linggo ang warrant of arrest laban sa kontrobersiyal na si Kingdom of Jesus Christ (KOJC) founder Apollo Quiboloy. Ito’y matapos na malagdaan ng House Executives sa pangunguna ni House Committee on Legislative Franchise Chairman at Parañaque City Rep. Gus Tambunting ang warrant of arrest. Una rito, pinatawan ng contempt ng komite […]
-
De Jesus dagdag puwersa sa Gilas Pilipinas Women
MAY isang Filipina-American ang nakatakdang madagdag bilang reinforcement ng Philippine women’s basketball team o Gilas Pilipinas Women para sa ilang piling mga kompetisyon sa mga parating na buwan o taon. Ang nagpahayag ng interes ay si Vanessa de Jesus, 18, incoming freshman sa pre-med course at kasapi ng women’s basketball team sa Duke University […]
-
Sec. Andanar, nagpatulong na sa mga youth leaders ng Northern Mindanao para maglaganap ng tamang impormasyon ukol sa covid 19
HUMINGI na ng tulong si Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar sa mga youth leaders sa Northern Mindanao para tulungan ang komunidad na magpalaganap ng tamang impormasyon at kamalayan ukol sa coronavirus disease 2019 (Covid-19) pandemic. Binigyang diin ni Sec. Andanar, pinuno rin ng Cabinet Officer for Regional Development and Security for […]