• June 3, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Casimero kakasahan si Inoue kahit saan

ATAT pang makipagsuntukan si World Boxing Organization (WBO) bantamweight champion John Riel Casimero, lalong sa madaling panahon laban kay Japanese Monster Naoya Inoue.

 

Ayon kamakalawa sa 30-year- old Ormoc City boxer, kahit siya pa mismo ang mag-adjust at pumunta sa bahay ng Hapones gagawin niya makaumbagan lang niya ito at magkalaaman kung sino ang tunay na astig.

 

“Puwede kahit pa sa bahay nila sa Japan. Sabi ko nga kahit sa bahay mo, lalabanan kita,” pahayag ni Casimero sa naudlot na laban sa Nipponpug noong Abril dahil sa lockdown na dulot ng Covid-19.

 

Maski nakahanda sa reschedule fight ang Pinoy dedma lang ang Hapones.

 

Kakademolis lang ni Casimero kay Duke Micah ng Ghana sa Estadaos Unidos bago pinatutsadahan agad si Inoue na ituloy ang nakansela nilang banatan. (REC)

Other News
  • Pole dancing pormal ng kinilala bilang national sports

    Pormal ng kinilala bilang national sports ang pole dancing.   Kinumpirma ito ng actress na si Ciara Sotto bilang pangulo ng Philippine Pole and Aerial Sports Association (PPASA) ang national association ng pole dancing na kinikilala ng International Pole Sports Federation at Philippine Olympic Committee.   Sinabi nito na umabot sa mahigit dalawang taon para […]

  • Jordan Clarkson nagparamdam ng kasabikan na maglaro sa Gilas Pilipinas

    Nagpahayag ng kasabikan si Filipino-American NBA player Jordan Clarkson para sa paglalaro niya sa 2023 FIBA World Cup sa buwan ng Agosto.     Ayon sa Utah Jazz player na patuloy ang kaniyang ginagawang ensayo para sa manguna ang basketball team ng Pilipinas sa nasabing torneo.     Pagtitiyak nito na agad itong uuwi sa […]

  • Quake drills, layon na bawasan ang casualties- NDRRMC

    NANAWAGAN  ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC)  sa publiko na magpartisipa sa lahat ng earthquake drills na naglalayong bawasan ang casualties lalo pa’t walang paraan ma-predict kung kailan mangyayari ang lindol.     “We call on everyone to join the drill once again as part of our effort to reinforce earthquake preparedness. […]