• September 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Castro, pinaigting ang pagpapatupad ng panlalawigang ordinansa ukol sa labis na kargang trak at proteksiyon ng kapaligiran

MAHIGPIT na ipinatutupad nina Gob. Daniel R. Fernando at Bise Gob. Alexis C. Castro ang kanilang direktiba kaugnay sa istriktong implementasyon ng panlalawigang ordinansa laban sa sobra-sobrang karga ng trak at proteksyon sa kapaligiran sa ginanap na pulong sa Balagtas Hall sa Hiyas ng Bulacan Convention Center dito kamakailan.

 

 

Ipinaalala ni Fernando sa daan-daang stakeholders na dumalo kabilang ang haulers, may-ari ng processing plants, quarry permittees at operators sa Bulacan na sundin ang mga batas tulad ng Panlalawigang Ordinansa C-005 at Panlalawigang Ordinansa 64-2018 at iba pa upang maiwasan ang pagharap sa mga multa at parusa kaugnay ng pagkasira ng imprastraktura at kapaligiran.

 

 

“Hinihiling ko po sa inyong lahat na sumunod kayo sa itinakdang regulasyon. Gawin po natin legal ang operasyon at naayon sa batas para hindi na rin po kayo maabala. At ‘yung mga mahuhuli na hindi tumatalima, harapin din po ninyo ang karampatang parusa para sa inyong nagawang paglabag,” ani Fernando.

 

 

Tinalakay din ni Abgd. Julius Victor C. Degala, pinuno ng Bulacan Environment and Natural Resources Office, ang laganap na isyu sa excessive volume o labis na mga karga ng in-transit vehicles na nakasisira ng pampublikong kalsada.

 

 

Aniya, ang pinapayagang volume o bigat ay depende sa quarry materials hauled (20-24 cu.m. o MT na nakalagay sa Delivery Receipt hanggang sa maximum nito na 28 cu.m. o MT bilang konsiderasyon) at ang karga ay dapat nasa orihinal na sidings at mayroong takip.

 

 

Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng pagkakaroon ng kumpletong dokumento kapag nagbibiyahe ng mga karga tulad ng mga mineral o produkto ng quarry na nakalagay sa Delivery Receipts (DR) at Transport Slips (TS) upang makadaan sa publikong kalsada sa lalawigan.

 

 

Ipatutupad rin ang nasabing regulasyon sa ibang mga trak mula sa malalapit na probinsya na nangangailangang dumaan sa Bulacan patungo sa kanilang destinasyon.

 

 

Iprinisinta din ni Abgd. Degala ang kitang nakolekta ng BENRO mula sa P68,251,596.79 (Enero hanggang Abril 2022) hanggang P78,067,259.50 koleksyon (Enero hanggang Abril 2023), na mayroong 14.37 % na itinaas kumpara sa parehong panahon noong nakaraang taon.

 

 

Ayon pa sa abogado, sa pagsasagawa nila ng panghuhuli sa mga trak na may karga na labis ang timbang katuwang ang PNP at iba pang ahensiya mula Enero hanggang Abril, 46 na trak ang nahuli at kumita ang probinsiya ng P300,000 para sa multa at noong May 1-12, 51 trak ang hinuli at nakakolekta ng P280,000 na multa kung saan sumama pa ang gobernador sa pagsasagawa ng ispesyal na operasyon.

 

 

Dumalo rin sa pulong sina Provincial Director PCOL Relly B. Arnedo ng Bulacan Police Provincial Office na kinatawan ni PMAJ. Almer Eustaquio, Provincial Legal Officer Abgd. Gerard Nelson C. Manalo, Panlalawigang Tagapangasiwa Antonia V. Constantino at mga Bokal Raul A. Mariano at Arthur A. Legaspi. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

Other News
  • DOTr: Mga proyekto sa sektor ng rail transportasyon may naitalang progreso sa konstruksyon

    MAY naitalang malaking progreso sa konstruksyon ang ginagawang kauna-unahang underground railway na Metro Manila Subway Project (MMSP) mula Bulacan hanggang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Paranaque. “The Metro Manila Manila Subway, touted as the country’s most ambitious infrastructure project to date, has already attained significant progress in its construction,” wika ni Department of Transportation […]

  • Dahil nakapulupot ang pusod sa leeg: YASMIEN, na-CS para maisilang ang second baby nila ni REY

    SUMAILALIM sa cesarean section ang Kapuso actress na si Yasmien Kurdi para maisilang ang ikalawa nilang anak ni Rey Soldevilla.     Sa Instagram, ibinahagi ni Yasmien ang ilang larawan sa ginawang procedure sa kanyang panganganak.     “After series of tests nalaman namin na manipis pa din pala ang CS scar ko even after […]

  • Valenzuela magtatayo ng Command Center at nagbigay ng 2 SWAT vans

    BILANG bahagi ng pagdiriwang ng ika-26th Charter Day ng Lungsod ng Valenzuela, pinangunahan ni Mayor WES Gatchalian ang groundbreaking ng One Valenzuela Command Center na magsisilbing satellite office ng ALERT sa Barangay Paso de Blas.     Ang apat na palapag ng gusali na ito ay maglalaman ng Valenzuela City Command, Control, and Communication Center […]