• May 18, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Catantan dinale bronze, All-America awardee pa

NAGTULOS ng 20-1 win-loss record si Samantha Kyle Catantan ng Pilipinas para makopo ang women’s foil bronze medal at maging isa sa siyam na ginawaran All-American selection sa wakas nitong Lunes ng 2021 United States National Collegiate Athletic Association (NCAA) sa Bryce Jordan Center sa University Park, Pennsylvania.

 

 

Pinagtatagpas ng 19 na taong-gulang, tubong Quezon City at Pennsylvania State University athletic scholar freshman ang 20 kaeskrimahan sa pool rounds bago naungusan sa Final Four ng senior niyang si Lodovica Bicego ng Italy 14-15 para tumabla sa 3rd-4th na may trophy rin.

 

 

Naghabol ang Pinay na nagtapos sa University of the East-Manila ng secondary, kay Bicego at lumamang pa sa 14-13. Pero nakapuntos pa ng dalawa ang huli at isa na lang si Catantan para sa final scores.

 

 

Isa sa biktima ng Pinay fencer ang Nittany Lions teammate sa pool na sinilat niya via 5-3 victory. Bigo rin si Bicego sa national finals laban kay Notre Dame University bet Italian Stefani Deschner, 15-9.

 

 

Iniuwi rin ng PSU ang second-place trophy sa 182 points sa likod ng NDU Fighting Irish na may 201.

 

 

Isa pang bet ng ‘Pinas na lumalaro sa Sacred Heart University men’s foil na si Lawrence ‘Lance’ Tan ang tumapos sa ika-18 lang mula sa 24 na kasali rin sa kanyang event. (REC)

Other News
  • NAGSULPUTANG PEKENG COVID VACCINE, BABANTAYAN NG NBI

    NAGSASAGAWA ng monitoring ang  National Bureau of Investigation (NBI) para mabantayan ang pagpuslit ng mga nagsulputang  pekeng  Covid-19 vaccines sa bansa.   Kaugnay nito, sinimulan na rin ng NBI ang imbestigasyon sa importation, selling at distribution ng Covid-19 vaccine na hindi dumaan sa tamang proseso at hindi aprubado ng food and Drugs Administration (FDA).   […]

  • Pagdanganan sumuporta sa panalo ni Saso sa US

    BIGONG mag-qualify si Bianca Isabel Pagdanganan sa 72nd Ladies Professional Golf Association Tour 2021 13th leg, $5.5M (P262M) 76th U.S. Women’s Open Golf Championship sa The Olympic Club sa San Francisco, California  na pinanlunan ng kaibigan niyang si Yuka Saso nitong Linggo (Lunes sa Pilipinas).     Ganunpaman, nagsadya pa ang LPGA sophomore pro sa […]

  • Libing ni Pope Francis dinaluhan ng 250,000 katao

    UMABOT sa tinatayang 250,000 katao ang dumalo sa libing ni Pope Francis nitong Sabado, Abril 26, ayon sa Vatican. Sinabi ng Vatican na 164 delegasyon kabilang ang 54 pinuno ng estado at 12 reigning sovereigns ang dumalo sa libing. Kabilang sa mga world leaders na dumalo sina U.S President Donald Trump, Pangulo ng Argentina Javier […]