• September 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for the ‘Contributors’ Category

2 pang Mpox cases naitala sa Metro Manila

Posted on: August 28th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAKAPAGTALA pa ang Department of Health (DOH) ng dalawang bagong Mpox cases sa Metro Manila.

 

 

 

 

Ayon sa DOH, ang dalawang bagong kumpirmadong kaso ng Mpox ay parehong lalaki na nakitaan ng MPXV Clade II, na mas mild na uri ng Mpox virus.

 

 

“Transmission dynamics for the two new cases are consistent with earlier warnings: close and intimate, skin-to-skin contact,” anang DOH.

 

 

Nabatid na ang Mpox case 11 ay isang 37-anyos na lalaki na nakitaan ng mga sintomas ng sakit noong Agosto 20, kabilang na ng rashes sa mukha, braso, hita, thorax, palad at talampakan.

 

 

Sa inisyal na imbestigasyon, hindi naman umano siya nagkaroon ng anumang exposure sa sinumang tao na may kahalintulad na sintomas ngunit inaming nagkaroon ng close, intimate at skin-to-skin contact, may 21-araw bago nagsimulang maglabasan ang mga sintomas ng sakit.

 

 

Kasalukuyan siyang naka-admit sa isang government hospital simula pa noong Agosto 22, kung saan kinuhaan siya ng skin sample, na siyang sinuri ng DOH Research Institute for Tropical Medicine (RITM).

 

 

Samantala, ang Mpox case 12 naman ay isang 32-anyos na lalaki na ang sintomas ay nagsimulang maglabasan noon pang Agosto 14, kabilang na ang skin lesions sa kanyang groin area at lagnat.
Inamin ng pasyente na nagkaroon ng intimate at skin-to-skin contact sa isang sexual partner.

 

 

Una umano siyang nagpakonsulta sa isang outpatient clinic at sinabing bacterial infection lamang ang kanyang sakit ngunit matapos ang ilang araw, nagsimula na rin umano siyang magkaroon ng taghiyawat na parang lesions sa mukha, noo at anit.

 

 

Pinayuhan siyang magtungo sa isang DOH hospital kung saan siya kinuhanan ng skin sample noong Agosto 23 at pinayuhang manatili sa kanilang tahanan habang naghihintay pa ng resulta.

 

 

Ayon sa DOH, sa kasalukuyan ang total case count ng Mpox sa bansa ay nasa 12 na simula noong Hulyo 2022.

 

 

Ang siyam umano sa mga pasyente ay nakarekober na sa karamdaman noon pang 2023 habang ang tatlong aktibong kaso ay mayroon pa ring mga sintomas at hinihintay pang guma­ling.

 

 

Tiniyak din naman ng DOH na naimpormahan na nila ang mga local government units (LGUs) kung saan naninirahan ang Mpox cases 11 at 12. Sila umano ang may kapangyarihan at awtoridad upang maghayag ng mas detalyadong impormasyon at response action hinggil dito. (Daris Jose)

Bise-Alkalde ng Maynila at 21 Konsehal, sinampahan ng kaso sa RTC hinggil sa “secret session”

Posted on: August 22nd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAHAHARAP sa kaso sa Regional Trial Court (RTC) ang nasa labimpitong konsehal na miyembro ng Sangguniang Panlungsod ng Maynila laban sa kasalukuyang administrasyon na pinamumunuan ni Vice Mayor at Presiding Officer John Marvin “Yul” Servo-Nieto kasama ang nagsisilbing Majority at Minority floor leader gayundin ang iba pang mga kasapi nilang konsehal tungkol sa naganap na “secret session” noong Hulyo 23, 2024.
Sa kanilang isinampang kaso sa RTC Branch 1, Gustong malaman ni  4th District Councilor Joel T. Villanueva kung nagkaroon ng paglabag ang isinagawang sesyon noong Hulyo 23, 2024 kung saan naka-recess ang Konseho sa pamumuno ni  VM Yul Servo, Majority Floor Leader 3rd Dist. Councilor Ernesto “Jong” Isip Jr., Minority Floor Leader 6th Dist. Councilor Salvador Philip Lacuna at labing-siyam pa na konsehal na kaanib sa mayorya .
Ayon kay Villanueva, sa nasabing petsa ay may deklarasyon ang Malacañang at ang Manila City Hall na wala nang pasok bunsod umano ng pananalasa ng bagyong Carina ngunit nagawa pa rin umano ng grupo nila VM Yul Servo na magkaroon ng sesyon ng walang abiso o “notice” sa kanilang grupo.
Aniya, sa naganap na sesyon ay kitang-kita ang kanilang motibo dahil ang una umano nilang tinalakay ay ang “re-organization” o pagtanggal sa mga hawak nilang mga komite.
Giit ni Villanueva, wala na umano silang matakbuhan na tamang forum dahil lagi na lamang umanong nagagamit ang higit na bilang ng mayorya kaya’t minarapat na niumano nila itong dalhin ang nasabing usapin sa korte upang magkaroon na umano sila ng kapanatagan ng loob.
“Kaya kami nagsama-sama ngayon dahil wala na kami matakbuhan, hindi na kami pinakikinggan sa loob ng konseho and they are always using the numbers. Sila raw ang maraming numero kaya parang we are helpless kaya naniniwala kami na sa korte na lamang ito upang maresolba,” ani Villanueva.
“Gusto naming agaran na magkaroon ng TRO na sabihan at itigil muna ang isinasagawang sesyon hanggang sa maresolba kung tama ba o mali ang ginawa nilang sesyon na yun. And we are praying for the nullification ng secret session base sa sinasabi naming iligal ito sapagkat walang due process at wala po notice na natanggap ang aming grupo,” dagdag pa ni Villanueva.
Ang labimpitong konsehal na pinamumunuan ni Councilor Villanueva ay ang mga konsehal na umanib sa dating alkalde ng lungsod ng Maynila at planong muling bumalik at manungkulan muli bilang Mayor ng kabisera ng bansa na si Yorme Isko Moreno Domagoso. GENE ADSUARA

‘Pogi’, 1 pa nadakma sa Malabon drug bust

Posted on: August 22nd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

KALABOSO ang dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga matapos makuhanan ng mahigit P80K halaga ng shabu nang matimbog ng pulisya sa buy bust operation sa Malabon City, Miyerkules ng madaling araw.
Kinilala ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan ang naarestong suspek na sina alyas Jelan, 22 at alyas Pogi, 47, kapwa residente ng lungsod.
Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi ni Col. Baybayan na ikinasa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang buy bust operation matapos ang natanggap impormasyon hinggil sa umano’y drug activities ng mga suspek.
Isang undercover police ang nagawang makipagtransaksyon ng droga sa mga suspek at nang tanggapin ang marked money mula sa pulis na nagsilbing poseur-buyer kapalit ng isang plastic ng shabu ay agad silang dinamba ng mga operatiba dakong alas-2:00 madaling araw sa kanto ng General Luna at Rodriguez Sts., Brgy. Bayan-bayanan.
Nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 12 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price value na P81,600.00 at buy bust money.
Pinuri naman ni Gen. Gapas ang Malabon police sa kanilang matagumpay na operation kontra ilegal na droga na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek na kapwa mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

Top political leaders nagkaisa para bumalangkas ng istratehiya para sa 2025 midterm polls

Posted on: August 22nd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAGKAISA ang mga top political leaders sa bansa para maglatag ng mga istratehiya para sa nalalapit na 2025 midterm elections.

 

 

 

 

 

Ginanap ang pulong kahapon, Lunes ng gabi sa Aguado residence sa Palasyo ng Malakanyang .

 

 

Ang nasabing pulong ay batay sa naging direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

 

 

 

Ito ang unang pulong ng mga key leaders mula sa ibat ibang major political parties sa bansa na kasalukuyang nasa ilalim ng “Alyansa para sa Bagong Pilipinas.”

 

 

 

Ang nasabing partnership ay pinangunahan ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP), ang political party ni Pangulong Marcos kabilang dito Lakas-Christian Muslim Democrats (CMD), Nationalist People’s Coalition (NPC), Nacionalista Party (NP), at National Unity Party (NUP).

 

 

 

Si Speaker Ferdinand Martin Romualdez, ang nanguna sa talakayan kung saan nakatutok ang talakayan sa pagkakaroon ng pagkakaisa, maiwasan ang pagkakaroon ng internal conflicts at siguraduhin na ang koalisyon para sa May 2025 elections ay epektibo.

 

 

 

Binigyang-diin ni Speaker Romualdez ang kahalagahan na maiwasan ang internal conflicts at i maintain ang incumbents equit at siguraduhin na ang interest ng bawat partido ay protektado.

 

Malacañang pinakakansela na ang passport ni ex-Bamban Mayor Alice Guo

Posted on: August 22nd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

KINUMPIRMA ng Office of the Executive Secretary na nakalabas na ng Pilipinas si dismissed Bamban Tarlac Mayor Alice Guo.

 

 

 

 

 

 

Sa memorandum na inilabas ni Executive Secretary Lucas Bersamin ngayong araw, nakasaad dito na lumipad na si Guo patungong Malaysia, saka nag tungo sa pamilya nito sa Singapore at bumyahe patungong Indonesia, kung saan tumutugma sa unang impormasyon na inilabas ni Senator Risa Hontiveros.

 

 

 

 

Dahil dito inatasan ni Bersamin ang Department of Foreign Affairs at ang Department of Justice na kanselahin na ang pasaporte ni Alice Guo o Guo Hua Ping.

 

 

 

 

Kasama rin sa pinakakansela ang pasaporte ng kanyang pamilya, partikular sina Wesley at Sheila Guo at Katherine Cassandra Ong.

 

 

 

 

 

Nabatid na meron nang inilabas ang Senado na arrest warrant laban kay Guo at sa kanyang pamilya, at pinapa-cite in contempt na rin ito ng House of Representative dahil sa bigong pagdalo sa hearing.

 

 

 

Maliban pa ito sa kasong criminal na isinampa sa kanya dahil sa qualified trafficking at iba pang kaso na may kinalaman sa POGO. (Daris Jose)

11 baboy naharang sa Quezon City positibo sa ASF

Posted on: August 22nd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

KINUMPIRMA ng Bureau of Animal Industry (BAI) na nagpositibo sa African Swine Fever (ASF) ang mga baboy na laman ng isa sa dalawang truck na naharang sa livestock checkpoints sa Quezon City nitong weekend.

 

 

 

 

Ayon sa BAI, matapos ang pagsusuri, 11 baboy ang nakitaan na agad ng ASF infection bago pa isagawa ang blood test. Agad na pinatay ang mga ito ay ibinaon sa central burial site bilang bahagi ng disease containment measures.

 

 

 

Samantala, ang nasa 38 baboy naman na mula sa isang truck ay nagnegatibo sa ASF kaya pinahintulutan ng BAI ang pagkatay sa mga ito.

 

 

 

Nananatiling naka-heightened surveillance ang BAI para mapigilan ang pagpasok ng mga infected na baboy sa Metro Manila.

 

 

 

Hinikayat naman ng DA ang mga hog traders at transporters na sumunod sa mga regulasyon nang maiwasan ang pagkalat lalo ng ASF. (Daris Jose)

VP Sara kinumpirma nilulutong impeachment laban sa kanya

Posted on: August 22nd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

MISMONG si Vice President Sara Duterte ang kumumpirma na may nilulutong impeachment complaint laban sa kanya sa House of Representatives (HOR).

 

 

 

 

 

Ayon kay Duterte, mayroon pa naman silang mga kaibigan sa Kamara na nagpaparating sa kanila ng balita.

 

 

Ginawa ni Duterte ang pahayag matapos dumalo sa budget hearing ng panukalang 2025 budget ng Office of the Vice President (OVP).

 

 

Sinabi rin ni Duterte na hinihintay lamang nila ang susunod na gagawin ng mga gustong magpabagsak sa kanilang pamilya.

 

 

“Basta kami inaantay lang namin ang kanilang gagawin dahil expected na ‘yun na gagawin nila dahil gusto nilang pabagsakin ang pamilya Duterte sa pulitika. Hindi lang sa pulitika, sa personal dahil sinama nila asawa ko sa harassment nila,” anang bise presidente.

 

 

Ang nilulutong impeachment laban sa kaniya ay bahagi lamang ng “playbook” laban sa kanilang pamilya.

 

 

Ayon pa kay Duterte, ang ginagawa sa kaniyang pamilya ay bahagi ng isinusulong na Charter Change kung saan nais umano ng mga nakaupo ngayon na huwag nang umalis sa puwesto.

 

 

Matatandaan na kinasu­han ni dating Senador Antonio Trillanes IV sa Department of Justice (DOJ) ng drug smuggling si Davao City 1st district Rep. Paolo “Pulong”Duterte, Atty. Mans Carpio at dating Bureau of Customs (BOC) Commissioner Nicanor Faeldon.

 

 

Nag-ugat ang kaso sa P6.4 bilyong halaga ng shabu shipment na nasabat noong 2017. (Daris Jose)

CHED, gumawa ng aksyon laban sa Caloocan college na kontra sa phase-out order sa 5 programa

Posted on: August 22nd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

HINIKAYAT ng Commission on Higher Education (CHED) ang mga apektadong estudyante ng St. Vincent De Ferrer College of Camarin (SVDFCC) sa Caloocan City na makipag-ugnayan sa National Capital Region (NCR) office para sa ‘guidance at assistance.’

 

 

 

 

Ito’y matapos na i-post ng CHED, kasama ang local government ng Caloocan ang notices sa labas ng SVDFCC at sa buong lungsod para ipabatid sa publiko ang pagsasara ng mga programa nito.

 

 

 

“We encourage affected students to reach out to CHED-NCR for assistance and guidance,” ayon kay CHED Secretary Popoy De Vera.

 

 

 

Ginawa ng CHED ang hakbang na ito kasunod ng pagsuway ng SVDFCC sa kautusan na ‘i-phase out’ ang limang programa kabilang na ang Bachelor of Elementary Education, Bachelor of Science in Accountancy, Bachelor of Science in Hotel and Restaurant Management, Bachelor of Science in Information Technology, at Bachelor of Secondary Education.

 

 

 

Taong 2021, ipinag-utos ng CHED ang pag-phase-out ng mga nasabing programa ng SVDFCC dahil sa “deficiencies in their academic performance and achievement” natuklasan matapos ang masusing ebalwasyon at balidasyon.

 

 

“SVDFCC is no longer included in the list of higher education institutions authorized to offer the aforementioned degree programs,” ayon sa CHED.

 

 

 

Binigyang diin ng CHED na ang SVDFCC ay “prohibited” mula sa pagtanggap ng mga estudyante para sa enrollment sa mga naturang programa simula sa 1st term ng Academic Year (AY) 2022-2023.

 

 

 

“Students who were already enrolled that year will be allowed to complete their studies until graduation or transfer to other institutions” with the assistance of CHED-NCR.

 

 

“Students who entered these programs as first-year students in AY 2022-2023 will not be given a Special Order, which is a requirement for graduation,” ang sinabi ng CHED.

 

 

Sinabi pa ng CHED na noong 2022, naghain ang SVDFCC ng urgent motion kung saan hinihiling sa Komisyon na i-withdraw ang kautusan. Tinanggihan ng CHED ang naturang request na may finality, tinukoy ang “no legal and compelling reasons to reverse the decision.”

 

 

“Although this denial of appeal was questioned by SVDFCC in other courts of competent jurisdiction, CHED has not received any injunction or relief against the implementation of its decision,”ayon kay De Vera.

 

 

 

Samantala, tinuran ni De Vera na magsisilbi ito bilang “red light” sa higher education institutions (HEIs) sa iba’t ibang bahagi ng bansa para “improve the quality and performance” ng kanilang academic programs.

 

 

“We don’t tolerate this kind of behavior and performance,” ang sinabi ni De Vera.

 

 

 

Idinagdag pa ng CHED, ipinagpapatuloy nito ang pagsusuri sa academic performance at achievements ng degree programs upang “ensure that our students receive the quality of education they deserve.” (Daris Jose)

 

DepEd, tinitingnan ang ‘flexi’ implementation ng Matatag Curriculum

Posted on: August 22nd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

PINAG-AARALAN ng Department of Education (DepEd) ang posibilidad na ipatupad ang Matatag Curriculum ng ‘more flexibly’ habang tinutugunan ang learning gap ng bansa.

 

 

 

 

 

Nilinaw ni Education Secretary Juan Edgardo Angara na mananatili ang Matatag Curriculum sa kabila ng dumagsang panawagan na alisin na ito.

 

 

 

“However, the agency wants it to be adjusted so as not to burden the teachers excessively,” ayon kay Angara.

 

 

 

“Pinag-aaralan na ho namin. I think, hindi naman sa aalisin, pero gagawing mas flexible para depende sa principal, titingnan niya, kamusta ‘yung mga teachers niya, napapagod ba sila,” aniya pa rin.

 

 

 

Sinabi pa ni Angara na base sa assessment ng school principal, maaaring siyang gumawa ng ‘proper adjustments’ sa iskedyul ng mga klase.

 

 

 

“Bibigyan namin ‘yung flexibility ‘yung kada paaralan at saka ‘yung kada principal na i-set ‘yung policy sa kanyang eskwelahan,” dagdag na wika nito.

 

 

 

Depende lamang ito sa kakayahan ng mga guro at mga mag-aaral.

 

 

 

Araw ng Huwebes, may ilang grupo ng mga guro na alisin o suspendihin ang implementasyon ng Matatag Curriculum dahil naging isang ‘pabigat’ ito sa karamihan sa mga guro.

 

 

 

Ang pagsama ng national learning recovery programs sa curriculum ay nakadagdag lamang ng ‘workloads’ para sa mga guro, dahil may Ilan sa mga ito ay may hawak ng 7 hanggang 8 klase na may minimum na 55 students kada klase, sa kabila ng kaukulang an ng public school teachers.

 

 

 

Hinikayat naman nito ang DepEd na konsultahin ang iba pang mahahalagang stakeholders ukol dito at ang problema ng ‘learning gap.’

 

 

 

“A study made by the Programme for International Student Assessment (PISA) in 2022 reveals that the Philippine education system lags five to six years behind in learning competencies ranking 77th out of 81 countries worldwide,” ayon sa DepEd.

 

 

 

Tinuran ni Angara na lumala ang learning gap sa panahon ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) pandemic.

 

 

 

“Yung learning gap natin, parang lumawak siya nung panahon ng pandemya at we’re trying to recover that,” aniya pa rin.

 

 

 

Sinabi ni Angara ang pangangailangan na dapat nakatuon ang learning recovery program at interventions ng bansa sa mga pangangailangan ng mga mag-aaral. habang ang gobyerno ay nakatutok naman sa science-based data gathering. (Daris Jose)

Sa pag-amin na walang master plan sa flood control projects… Ilang matataas na opisyal ng DPWH, pinagbibitiw

Posted on: August 8th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

PINAGBIBITIW sa puwesto ng ilang sektor ang ilang matataas na opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) dahil sa pag-amin nito na walang Flood Control master plan ang departamento upang mapigilan ang pagbaha sa kalakhang Maynila at ibang parte ng bansa tuwing may malakas na ulan o bagyo.

 

 

 

Bunsod ito sa pag-amin ni DPWH secretary Manuel Bonoan sa isang Senate hearing na walang integrated national flood control plans ang ahensya samantalang may bilyon-bilyon pisong pondo ito para sa iba’t ibang infrastructure projects, kasama na rin ang flood control projects.

 

 

 

Hiniling na rin ng mga sektor na naapektuhan ng malawakang pagbaha na mag-implementa ng isang flood control system sa Metro Manila at karatig bayan.

 

 

 

Inireklamo rin ng ilang grupo ang pagkakatalaga sa isang Assistant Secretary bilang officer-in-charge kapalit ng isang nagretiro.

 

 

 

Napag-alaman din na may nakalaaang pondo na mahigit isang bilyong piso para sa mga imprastrakturang gagawin sa nasabing mga rehiyon.

 

 

 

Ilang qualified government engineers naman ang karapat-dapat sa nasabing puwesto subalit isa lamang ang pinaburan dito na umano’y malapit na kaibigan ng mga matataas na opisyal ng DPWH.

 

 

 

Ang DPWH ay may nakalaang P225 bilyon pisong pondo para sa 2024 national budget, kasama na rito ang pagsasagawa at pagkumpuni ng mga nasirang flood control projects sa bansa dulot ng mga malalakas na bagyo.

 

 

 

Sa isang senate hearing, inamin ng DPWH na wala pang 30 porsiyento na flood control project ang nakumpleto nito sa loob ng dalawang dekada.

 

 

 

Sa pagdinig sa Senado, sinabi pa rin ni Bonoan na mahigit 5,000 flood control projects na ang naisagawa ng ahensya subalit hindi matukoy ang dahilan kung bakit patuloy pa rin ang malawakang pagbaha sa National Capital Region, Bulacan at Pampanga.

 

 

 

Si DPWH undersecretary Robert Bernardo ay ang Flood Control project supervisor para sa NCR, at Central Luzon at si DPWH undersecretary Cathy Cabral naman na in-charge sa Planning and Public-Private Partnership Service ay isinisisi ang pagbaha sa mga basura na naiipon sa mga waterways. GENE ADSUARA