Cayetano kay Velasco: Kung gusto ni Duterte, magiging speaker ka
- Published on March 4, 2020
- by @peoplesbalita
IGINIIT ni House Speaker Alan Peter Cayetano na wala nang dapat pang pag-usapan sila ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco dahil tanging si Pangulong Rodrigo Duterte lamang ang maaaring sumira sa napagkasunduang ‘term sharing’ ng speakership sa Mababang Kapulugan ng Kongreso.
Makaraang ituro si Velasco bilang nasa likod nang planong coup d’ etat laban sa kanya, pinayuhan din ito ni Cayetano na magtrabaho na lamang sa halip na magsiraan at mag-intrigahan.
Muli rin niyang ipinahayag na paniniyak na handa siyang tumalima sa nabuong kasunduan, kaya kung tutuusin ay walang dapat na ikatakot si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco na siyang kanyang kahati sa speakership dahil kung ito naman ang gusto ng Pangulo ay walang magiging hadlang ng kanyang pag upo.
“Huwag kang (Velasco) matatakot na hindi ka magiging Speaker kasi kung ‘yan talaga ang gusto ng Presidente, he is the head of our coalition, mangyayari ‘yan,” ayon kay Cayetano.
Samantala, bumuwelta naman si Cayetano sa mga reklamo na kung bakit hindi ibinigay sa House Committee on Energy na hawak ni Velasco ang pag-iimbestiga sa P100-bilyong utang ng mga power producer sa PSALM.
Iginiit ng lider ng Kamara na pinili ni Velasco na maging chairman ng House Committee on Energy pero tumanggi naman itong dinggin ang mga utang sa PSALM kaya pinahawak na lamang ito sa House Committee on Public Accounts at Good Government and Public Accountability.
Kung tinanggap lang daw sana ni Velasco ang alok niya dati pa na maging senior deputy speaker ay kasali din sana siya sa lahat ng nga pagdinig tulad ni Majority Leader Martin Romualdez. (Ara Romero)
-
Half-Pinoy Jason Kubler kasama ang pakner, KAMPEON!
TAAS-NOO na naman ang mga Pinoy matapos magkampeon sina Filipino-Australian Jason Kubler at partner Rinky Hijikata sa men’s doubles ng Australian Open na nilaro sa Melbourne nitong Sabado. Ayon kay Philippine Olympic Committee (POC) President Rep. Abraham “Bambol” Tolentino, may maipagmamalaki na naman ang mga Pilipino sa panalo ni Kubler. “It’s something that […]
-
Financial support kailangan ng PH table tennig team para makapag-training na uli – president
Suliranin ngayon ng Philippine Table Tennis Team ang aspetong pinansyal upang maipagpatuloy ang pag-eensayo para paghandaan ang mga nakatakdang tournaments. Sa panayam kay Philippine Table Tennis Federation president Ting Ledesma, nais niyang tipunin ang mga atleta sa isang training bubble ngunit hindi ito madali lalo at pahirapan ang paghahanap ng sponsor na siyang gagastos […]
-
Wish na malampasan ng ‘Batang Quiapo’ ang huling serye: COCO, inamin na mahirap talaga siyang katrabaho
SIMULA sa Lunes, Pebrero 13, magbabalik na ang Hari ng Primetime na si Coco Martin para bigyang-buhay ang isa na namang dekalibreng obra ni Fernando Poe Jr. na “FPJ’s Batang Quiapo.” Pagkatapos ng makasaysayang seven-year run bilang Cardo Dalisay sa “FPJ’s Ang Probinsyano,” muling sasabak si Coco sa mga makapigil-hiningang bakbakan bilang ang matapang at […]