• September 10, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Cayetano sa Senado: Pa-epal lang kayo sa ABS-CBN franchise

Sa isinagawang pagdinig ng Senado kahapon (Lunes) sa usapin ng renewal ng prangkisa ng ABS-CBN, sinabi ni House Speaker Alan Peter Cayetano na marami lang umano ang gustong pumapel o umepal.

 

Bagama’t wala namang direktang pinatamaan si Cayetano ngunit una na itong sinita si Senadora Grace Poe, chair ng public service committee ng Senado, nang ipahayag nito ang planong pagdinig ng komite sa naturang usapin.
Muling pinaninindigan ni Cayetano na malinaw na nakasaad sa Konstitusyon na ang usapin sa prangkisa ay eklusibong manggagaling sa Kamara.

 

“Ang stand ko na paulit-ulit kong sinasabi na malinaw na malinaw sa Konstitusyon, (franchise) shall exclusively originate from the House,” ayon kay Cayetano.

 

Dahil dito, hindi niya makita ang rason ng Senado sa ginawa nitong pagdinig gayong malinaw sa Konstitusyon na dapat sa Kamara ito magmumula.

 

Bukod dito, sinambit ni Cayetano na hindi rin kailangang apurahin ang pagtalakay nito dahil hindi naman magsasara ang naturang TV network kahit na mag-expire na ang prangkisa nito sa Marso 30 at ito’y binibigyan niya umano ng kasiguraduhan.

 

Kaya naman mariing sinabi nito na malinaw lamang na marami lang ang gusto umapel o gumawa ng eksena o sumipsip sa TV network.

 

“We’ve said from the start the reason why we think it’s important but not urgent dahil hindi naman tayo papayag na there will be a single minute na hindi magbo-broadcast ang ABS-CBN, ang problema maraming gustong umepal, maraming gustong maging part ng discussion, maraming nagpo-propose, panay what if, what if?,” giit pa ni Cayetano.
Ayon pa sa House Speaker, kaya nilang panindigan ang kanilang sinasabing hindi magsasara ang TV network.
“So nung sinabi naming hindi magsasara, ‘yan ang paninidigan namin,” dagdag ni Cayetano.

Other News
  • 2 VINTAGE BOMB, NAKUHA SA CAVITE SHOAL

    MAINGAT na nakuha ng Philippine Coast Guard (PCG) Station Cavite ang dalawang vintage bomb sa isinasagawang soil sampling operation sa San Nicolas Shoal, Cavite.   Ayon sa PCG, isang crew member ng MV Vasco Da Gama ang tumawag sa kanila upang ipagbigay alam ang presensya ng dalawang pampasabog dakong alas-4:30 kamakalawa ng umaga.   Pinayuhan […]

  • FDA nagbabala sa ilang brand ng lipstick

    Nagbabala ang Food and Drug Administration (FDA) sa mga kababaihan na gumagamit ng mga pampaganda ng mukha na hindi rehistrado tulad ng lipstick.   Ito’y matapos matuklasan ng FDA na may ilang brand ng lipstick sa merkado ang hindi dumaan sa tamang proseso at posibleng magdulot ng panganib sa kalusugan.   Sa ipinalabas na report […]

  • Tres Marias huli sa P1.3M droga

    ARESTADO ang tatlong “maria” na sangkot umano sa iligal na droga sa ikinasang buy-bust operation sa magkahiwalay na lugar sa Maynila.   Unang naaresto at nahaharap sa kasong paglabag sa Selling, Distribution and Transportation of Dangerous Drugs, Illegal Possesion of Dangerous Drug ang mga suspek na sina Asia Ambang, alyas Madam, 30, nakatira sa Golden […]